• Home
  • Fresh Scoops
  • Pagkatapos i-deny na may namamagitan sa kanila noon, mas bukas na ngayon si Diego Loyzaga tungkol sa relasyon nil ani Franki Russell.

Diego Loyzaga, ikinuwento kung paano naging malapit kay Franki Russell

Pagkatapos i-deny na may namamagitan sa kanila noon, mas bukas na ngayon si Diego Loyzaga tungkol sa relasyon nil ani Franki Russell.

Diego Loyzaga, ikinuwento kung paano naging malapit kay Franki Russell-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/15/2022 12:48 PM
Diego Loyzaga, ikinuwento kung paano naging malapit kay Franki Russell
Photo credit to @missfranki and @diegoloyzaga Instagram

Hindi na naitanggi ni Diego Loyzaga kung may totoong namamagitan sa kanila ni Franki Russell na katulad ng ex-girlfriend niyang si Barbie Imperial ay dati ring Pinoy Big Brother housemate.

Nauna nang lumabas ang pagiging item ng dalawa noong batiin si Diego ng dalaga noong kaarawan nito last May 27.

“Honesty really is the best policy and something that I would like to tackle today because if there’s one thing… I mean, I can be called a lot of things but a liar? I’m not a liar. I don’t lie,” simulang pahayag ng aktor sa isang radio interview.


READ: Barbie Imperial reacts to Diego Loyzaga’s statement on cheating

Sa naturang interview sa Monster Radio RX 93.1 ay inamin na rn ni Diego na dating stage na sila ngayon ng dalaga.

Aniya, “Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things, you don’t expect it, eh. It just really comes along and ever since meeting up with her, hanging out with her, it hasn’t stopped. We really did click so I would definitely say that right now, we’re dating.”

Nakilala ni Diego si Franki nang magkasabay silang mag-guest sa game show ni Yassi Pressman na Rolling In It. Marami rin daw silang mga bagay na pinagkakasunduan.

“We had so much in common, and so we were talking a lot and we were like, ‘We should catch up some time.’ It just so happened that I was going out of town so we caught up a lot of times before leaving town and I was like, you know what, I’m going to take a shot in the dark here even though I said that I want to stay single. I said, ‘Even as a friend. Hey, Ilocos as a friend’,”  dagdag na kwento ni Diego.

Ayon pa kay Diego, nagpunta na rin sila ng Ilocos ni Franki kasama ang ilang mga kaibigan. Inimbita rin daw niya si Diana Mackey na naging kasamahang  housemate din noon ni Franki sa PBB  kaya lang hindi raw ito pumuwede dahill abala ito sa paghahanda para sa Binibining Pilipinas pageant.

Inamin din ng ex-boyfriend ni Barbie na mas naging malapit siya kay Franki sa kanilang Ilocos trip. Dito raw talaga niya nakilala nang husto ang dalaga.

READ: Diego Loyzaga, itinangging may namamagitan sa kanila ni Franki Russell

Sa naturang trip din daw kuha ang nag-viral na photo nilang dalawa sa social media. Sinadya rin daw munang i-delete ni Franki ang naturang viral post dahil hindi pa sila handa sa sasabihin ng ibang tao.

Matatandaamg naghiwalay sina Diego at Barbie noong Februaary 2022 pagkatapos ng kanilang relasyon na tumagal din ng mahigit isang taon. Bumida rin ang dalawa sa Vivamax movie na may titulong Dulo na idinirek ni Fifth Solomon.