Paolo Contis, pinadalhan ng kaldereta ni Yen Santos

Nakatanggap ng ulam si Paolo Contis mula kay Yen Santos.

Paolo Contis, pinadalhan ng kaldereta ni Yen Santos-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/14/2022 05:28 PM
Paolo Contis, pinadalhan ng kaldereta ni Yen Santos
Photo credits: Paolo Enrico Contis on Facebook and @ysantos_lilieyentasticofficial on Instagram

Tila lumalim pa ang relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos matapos ibahagi ng aktor na pinadalhan siya ng pagkain ng huli. 

Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Paolo sa kanyang personal account ang isang litrato kung saan makikitang kumakain siya ng masarap na ulam. 

Pagbabahagi ni Paolo, pinadalhan siya ng kaldereta na may kasamang brown rice ni Yen. Naka-tag din sa nasabing post ang personal Facebook account ni Yen. 


Unang lumabas ang bali-balita na may namamagitan sa dalawa matapos sila mamataan na magkasama sa iba’t-ibang okasyon.

Kasunod ito nang hiwalayan nina Paolo at dati nitong partner na si LJ Reyes noong nakaraang taon. 

Napuno din ng iba’t-ibang spekulasyon ang isang litrato ni Yen kung saan makikitang tila malaki ang tiyan nito. 

Ngunit mariin naman itong pinabulaanan ni Paolo nang magkausap sila ni Ogie Diaz. 

“‘Yung tungkol doon sa kung buntis ba si Yen Santos, as per Paolo, hindi buntis si Yen Santos,” saad ni Ogie. 

READ: Umano’y pagbubuntis ni Yen Santos, pinabulaanan ni Paolo Contis

“Ang payat nga raw ni Yen Santos. Ang nakunan daw ay ‘yung paglipad nung damit ni Yen Santos kaya nagmukha siyang mataba kasi ang hangin that time,” dagdag pa ni Ogie.

Nadawit din noon ang pangalan ni Yen sa hiwalayan nina Paolo at LJ ngunit itinanggi ito ng aktor. 

“She was never the reason of our breakup. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na ‘to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano,” ani LJ. 

READ: Paolo Contis, inaming naging marupok; humingi ng paumanhin kay LJ Reyes

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for three days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” dagdag pa niya.