• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinagulat ni Julia Barretto ang pagkakasungkit niya ng bridal bouquet sa kasal ni Joe Vargas na dinaluhan nila ni Gerald Anderson.

Julia Barretto, nasungkit ang bridal bouquet; Gerald Anderson, abot langit ang ngiti

Ikinagulat ni Julia Barretto ang pagkakasungkit niya ng bridal bouquet sa kasal ni Joe Vargas na dinaluhan nila ni Gerald Anderson.

Julia Barretto, nasungkit ang bridal bouquet; Gerald Anderson, abot langit ang ngiti-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/14/2022 04:00 PM
Julia Barretto, nasungkit ang bridal bouquet; Gerald Anderson, abot langit ang ngiti
Screenshot from @byanga Instagram

Sa halip na saluhin ang bridal bouquet na dapat sana’y ihahagis ng asawa ni Joe Vargas na si Bianca Yanga, nagulat ang aktres nang iabot na lamang ito deritso sa kanya. 

Sa video na ipinost ni Bianca, makikita ang abot langit na ngiti ng boyfriend ni Julia na si Gerald Anderson nang iabot sa aktres ang bulaklak. Ang hindi alam ng Julia, hiling mismo ito ni Gerald. 

READ: Julia Barretto is ready to say ‘yes’ to marriage


“Guess who’s next?” tanong ni Bianca sa caption ng kanyang post. Tinag din nito si Gerald at sinabing, “Sinunod ko ang gusto mo!” 

Naghiyawan naman ang ibang dumalo sa kasal habang niyayakap ni Bianca si Julia. 

Nagsilbi bilang isa sa mga bridesmaids ni Bianca si Julia habang isa naman sa mga best men si Gerald sa nasabing kasal na naganap noong nakaraang linggo, ika-8 ng Hunyo. 

Noon pa man ay sinabi na ni Julia na handa na siyang magpakasal kay Gerald sakaling mag-propose ito sa kanya.

READ: Julia Barretto wants to play mistress in ‘A World of the Married Couple’ if there’s a Pinoy remake

Nauna na ring sinabi ni 25 anyos na aktres na gusto niyang magpakasal bago siya umabot ng edad na 30.