• Home
  • Fresh Scoops
  • May mensahe din si Vilma Santos para sa kanyang mga tagasuporta.

Vilma Santos nagpupugay kay Nora Aunor at sa mga bagong national artist: ‘I sincerely congratulate all of them’

May mensahe din si Vilma Santos para sa kanyang mga tagasuporta.

Vilma Santos nagpupugay kay Nora Aunor at sa mga bagong national artist: ‘I sincerely congratulate all of them’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

06/13/2022 05:34 PM
Vilma Santos nagpupugay kay Nora Aunor at sa mga bagong national artist: ‘I sincerely congratulate all of them’
Photo credits: Vilma Santos on YouTube

Bahagi na ng kasaysayan sa Philippine showbiz ang rivalry nina Nora Aunor at Vilma Santos. Tinawag na Noranians ang supporters ni Nora at Vilmanians naman ang kay Vilma. Superstar naman ang bansag kay Nora  at Star For All Seasons ang ibinansag kay Vilma.

Sa bagong achievement ni Nora bilang National Artist for Film ay hindi maiwasang marami sa mga tagasuporta ni Vilma ang pawang nalungkot. Hindi kasi nakasama ang aktres sa listahan ng mga idineklarang National Artist ngayong taon.

Kasama ni Nora sa listahan ng mga bagong National artist  na inanunsiyo noong June 10 ng National Commission for Culture and Arts  (NCCA) sina Ricky Lee (Film), Agnes Locsin (Dance), Gémino Abad (Literature), Fides Cuyugan-Asensio (Music),  Tony Mabesa (Theater), Salvacion Lim-Higgins (Fashion), at Marilou Diaz-Abaya (Film).


READ: Nora Aunor, pinasalamatan ang mga taong ipinaglaban siya para maging National Artist

Sa group chat ng mga Vilmanians  ay nagpadala ng mesahe si Ate Vi sa kanyang mga tagasuporta.

Aniya, “Huwag na kayo maging malungkot. Naniniwala ako na sa mundong ito, if anything is meant to happen, it will find its way.”

Naniniwala din ang award-winning aktres na ang lahat ng bagay ay may kanya-kanyang panahon.

“And yes, there is always a time for everything,” sabi pa niya.

Pinasalamatan din ng Star for All Seasons  ang kanyang mga supporters sa walang sawang pagsuporta  ng mga ito sa kanyang career mula pa noong nagsisimula siya sa showbiz hanggang sa ngayon.

“Maraming salamat sa inyo dearest Vilmanians sa patuloy at walang humpay ninyong pagsuporta sa akin. Mahal na mahal ko kayong lahat,” sambit pa  ni Vilma.

READ: Susan Roces, Vilma Santos, Nora Aunor, and Gloria Romero react to inclusion in PHLPost commemorative stamps

Idinagdag din niya na dapat ay bigyan ng pagpupugay ang mga bagong national artists ng bansa  dahil deserving ang lahat ng  mga ito sa parangal.

“Bawat isa sa kanila ay may angking galing at talino na lubos na kahanga-hanga. I sincerely congratulate all of them. Mabuhay kayo mga Vilmanians!” deklara ni Ate Vi.

Samantala, bagamat naging magkaribal sa showbiz simula 1970 hanggang 1990 ay nanatiling magkaibigan ang dalawang aktres na nagkasama sa mga Filipino classic films na Ikaw Ay Akin na idinirek ni Ishmael Bernal at  T-Bird at Ako ni Danny Zialcita.