• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Ruffa Gutierrez na muling nakasama ng kanyang mga anak ang kanilang ama.

Mga anak ni Ruffa Gutierrez, muling nakasama ang kanilang ama matapos ang 15 taon

Masaya si Ruffa Gutierrez na muling nakasama ng kanyang mga anak ang kanilang ama.

Mga anak ni Ruffa Gutierrez, muling nakasama ang kanilang ama matapos ang 15 taon -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/12/2022 01:54 PM
Mga anak ni Ruffa Gutierrez, muling nakasama ang kanilang ama matapos ang 15 taon
Photo credit: @iloveruffag Instagram

Matapos ang isa at kalahating dekada, muling nakapiling ng mga anak ni Ruffa Gutierrez ang ama nilang si Yilmaz Bektas. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Ruffa ang naging pagkikita ng mga anak niyang sina Lorin, Venice, at ama nitong si Yilmaz sa airport. 


Lumipad ang dalawang babaeng anak ni Ruffa patungong Turkey upang makasama ang kanilang ama na isang businessman sa nasabing bansa. 

Sa isang maikling bidyo na ibinahagi ng Sexy Babe judge, makikitang binigyan ni Yilmaz ng isang mahigpit na yakap ang kanyang mga anak at mga halik sa noo pagkarating na pagkarating ng dalawa sa paliparan ng Istanbul. 

READ: Ruffa Gutierrez’s daughters to reunite with father in Istanbul

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart,” saad ni Ruffa sa caption ng kanyang post.

Mismong si Ruffa ang naghatid sa kanyang mga anak sa airpot nitong Biyernes. 

"My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip! Take lots of pics & videos. Better yet, vlog! I love you," ani Ruffa. 

BASAHIN: Ruffa Gutierrez sends daughters off to Istanbul to meet their father

Sampung taon na ang nakalilipas mula nang ma-annul ang kasal nina Ruffa at Yilmaz.