• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilinaw ni Vice Ganda kung paano niya siya gusto tawagin ng ibang tao.

‘Ma’am’ o ‘Sir’? Vice Ganda, paano nga ba gusto tawagin?

Nilinaw ni Vice Ganda kung paano niya siya gusto tawagin ng ibang tao.

‘Ma’am’ o ‘Sir’? Vice Ganda, paano nga ba gusto tawagin?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

06/01/2022 07:57 PM
‘Ma’am’ o ‘Sir’? Vice Ganda, paano nga ba gusto tawagin?
Photo credits: @praybeytbenjamin on Instagram

Sinabi na unkabogable Star at LGBTQIA+ icon na si Vice Ganda na hindi isyu sa kanya kung paano siya gustong tawagin ng mga tao.

Napag-usapan ito matapos ibahagi ng isang contestant ng Showtime Sexy Babe ang karanasan nito sa catcalling kung saan tinatawag ito ng “Hi, Miss!”


“Alam mo, ako, kinaka-offend ko? ‘Hi, sir!’ Sir? ‘Tito Vice,’” pabirong sabi ni Vice.

Ngunit naging seryoso din si Vice sa kalaunan at sinabing hindi isyu sa kanya kung paano siya gustong tawagin ng ibang tao.

“Hindi, ako, hindi ako nao-offend sa ganiyan. Actually, marami nga laging nagtatalo kung paano nila ako i-a-address, kung ‘sir’ or ‘ma’am,’ kung ‘he’ or ‘she,’” ani Vice.

READ: Vice Ganda believes that SOGIE must be taught in schools

Nilinaw naman ni Vice na hindi lahat ay gaya niya na hindi na kailangan pang tanungin lalo pa’t importante na ngayon ang paggamit ng tamang panghalip o pronoun. 

“Ako, kasi, deads (deadma) ako. Hindi ako… Pero, ‘yung iba, kailangan mong tanungin. ‘How do you want to be addressed po — sir or ma’am?’ Kasi ‘di ba, mahirap i-base sa hitsura lang. May mga pronouns na ‘yung iba dini-demand talaga na, ‘Ibigay mo sa amin ang pronoun na ‘yun,’” ani Vice. 

Una nang nilinaw ni Vice noong 2021 na sinabing non-binary o hindi nakukulong sa pagiging lalaki o babae lamang ang kanyang kasarian. 

“Kahit sa mga articles, pag ini-interview ako, ‘Ano pong pronoun ang gusto niyong gamitin sa inyo — she po ba or he?’ Ako, personally, sasabihin ko, I don’t really mind. Kung ano pong gusto niyo. Hindi ako mao-offend kung gamitan niyo ako ng ‘he’ or ‘she,’” ani Vice.

“Pero, ako iyon,” he emphasized. “May mga tao na definite sila kung ano’ng pronoun ang gustong gamitin sa kanila. Kaya it’s better that you ask, kasi not everyone is identifying themselves as part of the binary gender,” dagdag pa niya.