• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilinaw ni Diego Loyzaga na nananatili siyang single o walang karelasyon.

Diego Loyzaga, itinangging may namamagitan sa kanila ni Franki Russell

Nilinaw ni Diego Loyzaga na nananatili siyang single o walang karelasyon.

Diego Loyzaga, itinangging may namamagitan sa kanila ni Franki Russell-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

06/01/2022 09:14 AM
Diego Loyzaga, itinangging may namamagitan sa kanila ni Franki Russell
Photo from @_barbieliciouss Instagram

Itinanggi ni Diego Loyzaga ang balitang may namamagitan sa kanila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russell.

Sa panayam ni Dolly Anne Carvajal para sa Inquirer, nilinaw ng aktor na nananatili siyang single o walang karelasyon.

“Franki and I are not a thing,” ani Diego. “I just want to be single for now.”


Matatandaang unang na-link ang dalawa matapos na batiin ni Franki si Diego para sa kaarawan nito noong Mayo 20. 

Sa Instagram Stories ay nag-post si Franki ng ilang larawan kung saan tila kapansin-pansin ang pagiging malapit nila ng aktor. Nagbigay din siya ng kanyang mensahe para kay Diego ngunit di kalaunan ay binura rin niya ito mula sa kanyang account.

Huling nakarelasyon ni Diego ang aktres na si Barbie Imperial. Naghiwalay sila noong Pebrero, matapos ang higit isang taon bilang magkasintahan. 

Nananatiling magkaibigan ang dalawa. Sa nakaraang panayam, sinabi ni Diego: “We’re good, we talk. ... We are friends and that’s what matters for now. We are good friends. There is no bitterness on my part."

READ: Barbie Imperial clarifies she did not get back together with Diego Loyzaga: ‘Friends lang’

Giit naman ni Barbie, "Okay kami. Hindi kami nag-break na magkaaway kami, hindi. We are okay.

"I think it's for the better naman. And even si Diegs naman alam niya naman 'yon na parang marami pa kaming kailangang matutunan at kailangan pa namin na mag-grow apart."