• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagdiwang ng kanyang ika-25 na kaarawan ang aktres na si Maymay Entrata noong Biyernes, Mayo 6.

Maymay Entrata, ibinahagi ang hiling para sa kaarawan

Nagdiwang ng kanyang ika-25 na kaarawan ang aktres na si Maymay Entrata noong Biyernes, Mayo 6.

Maymay Entrata, ibinahagi ang hiling para sa kaarawan-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/08/2022 03:30 PM
Maymay Entrata, ibinahagi ang hiling para sa kaarawan
Photo credit: @maymay Instagram

Nagdiwang ng kanyang ika-25 kaarawan ang aktres na si Maymay Entrata noong Biyernes, Mayo 6. 

Sa kanyang post sa Instagram, inilarawan ni Maymay ang kanyang espesyal na araw bilang masaya at mapayapa. 

"Isa sa pinaka masaya at mapayapang kaarawan na meron ako. Mga hiling kong nakamit ko ngayong taon ay sobra pa sa kahit anong yaman sa mundo. Lalo na’t alam ko ang pamilya ko’y nasa mabuting kalagayan kahit sa panahon ng pandemya," aniya.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)

Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang espesyal na hiling para sa kanyang kaarawan.

"Pero may isa pa akong hiling at eto ay tungkol sa nalalapit na halalan nawa’y kahit ano mangyari, mangingibabaw ang pagkakaisa at pagiging mabuti sa kapwa dahil sa huli iisa lang din ang gusto nating makamit, ang magandang kinabukasan ng ating bayan. Lagi nyong tatandaan na ang buhay natin ay temporary lang kaya wag na mag mug’ot mo tiguwang ka’g dali ana," aniya

"Vote wisely mga Kapamilya," dagdag pa niya.

BASAHIN: Dingdong Dantes, may paaalala sa kahalagahan ng halalan

Ilan sa mga bumati ng maligayang kaarawan kay Maymay ay sina Jinri Park, Jai Agpangan, Sam Mangubat, at Hero Angeles. 

Si Maymay, 25, ay kasalukuyang nasa Canada kung saan siya ay nag-aaral. Huli siyang napanood sa "Lurker" episode ng online series na Click, Like, Share noong Setyembre.