• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi din ni Dingdong Dantes na pipiliin niya ang isang lider na may integridad at may pagpapahalaga sa mga tao.

Dingdong Dantes, may paaalala sa kahalagahan ng halalan

Sinabi din ni Dingdong Dantes na pipiliin niya ang isang lider na may integridad at may pagpapahalaga sa mga tao.

Dingdong Dantes, may paaalala sa kahalagahan ng halalan-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/05/2022 08:54 AM
Dingdong Dantes, may paaalala sa kahalagahan ng halalan
Screenshot from iamsuperbianca YouTube Channel

May paalala ang aktor na si Dingdong Dantes sa mga botante ngayong darating na halalan. 

Sa panayam ni Dingdong sa online show ni Bianca Gonzalez na “Paano ba ‘To?,” sinabi nito na tinuturing niya ang eleksiyon ngayong taon bilang isa sa pinakamahalaga sa kanilang henerasyon. 


“Tayo, mga magulang na tayo ngayon. Right now, I’m 41 years old. Mag-42 na ako. Being in the entertainment industry, siyempre I had the opportunity to be a volunteer of various causes. Ang base sa mga observations ko and discernment, ito ay isa sa mga pinakamahalagang eleksiyon ng ating henerasyon,” ani Dingdong. 

Ani pa ni Dingdong, kailangan isaalang-alang na maraming bagay ang walang kasiguraduhan ngayon maliban pa sa kinakaharap na pandemya ngayon ng bansa. 

“Kasi siyempre, we are still in the midst of a pandemic, ‘di ba? And it’s a highly volatile world. And napaka uncertain ng lahat ng nangyayari — which makes things more complicated,” aniya. 

READ: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit Jerusalem

Maliban sa mga bagay na hindi natupad ng kasalukuyang administrasyon, importante umano ang paparating na halalan dahil kailangan makaahon ng bansa sa usaping ekonomiya. 

“Kaya sa tingin ko, beyond what ‘yung current administration has done or failed to do, ‘yung upcoming elections is really about ‘yung socio-economic recovery hindi lang ng bansa kundi ng buong mundo. Pero siyempre, focus lang muna tayo dito sa atin,” aniya. 

Ngunit ang pinakamahalaga ani Dingdong ay ang pagpili ng leader na may maibibigay para sa kinabukasan ng kabataan at masosolusyonan ang mga problemang kasalukuyang kinakaharap ng bansa. 

“But higit sa lahat, like what you said, it’s about the future of our children. This is about choosing the kind of leadership whom we think we deserve and is capable of addressing the challenges of the pandemic and all the other problems,” saad ni Dingdong. 

Samantala, ibinahagi naman ni Dingdong ang mga bagay na kanyang ikinokonsidera sa pagpili ng isang lider. 

“Siguro for the past decade, may proseso rin ako kasi 41 na ako. Siguro naka ilang election cycles na. Parang ‘yung process ko na ito ay similar doon sa process ko as an actor kapag nag-aaral ako ng script, kapag umaatake ako ng role,” ani Dingdong. 

Una na rito ang pagpaplano at pagpili ng pagkukuhanan ng tamang impormasyon, ayon sa aktor. 

“These are three very simple steps na pwedeng gamitin, na ginagamit ko as an actor, na nagamit ko dito sa pagpili. ‘Yung first step ko is to plan, na nakuha ko ‘yung script, ano ba ‘yung atakeng gagawin ko rito, nagre-research ako, kukuha ako ng inspiration dito,” saad ni Dingdong. 

“When you say paplanuhin mo ‘yung gagawin mo, pa-planuhin mo ‘yung proseso ng pagpili ng impormasyon. Una sa source of information pa lang. Sino ba ang credible? Sino ba ang dapat pakikinggan ko? Hindi lang dapat natin kunin ang lahat ng impormasyong ito sa internet,” dagdag pa niya. 

Importante rin umano na kumausap ng tao para malaman kung ano ang mga kinakailangan nila na maaaring maibigay ng tamang lider. 

“We have to go out of our way, kumausap tayo ng tao, kumausap tayo ng mga naaapektuhan dito sa mga nangyayari sa lipunan. Halimbawa, the vulnerable. Kausapin natin, ano ba ‘yung pangangailan nila?” ani Dingdong. 

“Hindi lang ‘yung sarili mong pangangailangan kasi kung ang pagbabasehan mo ‘yung sarili mong pangangailangan ay medyo selfish naman ‘yun. Kailangan mo kunin ‘yung sentiment ng pangkalalahatan. You talk to the people,” dagdag pa niya. 

“Okay makipag-debate. Alamin mo nasa loob nila. Pero pinakaimportante talaga, kung ano ‘yung source of information. Kasi ‘yun ang paniniwalaan mo eh. Sino ba ‘yung may track record? Sino ba ‘yung organizations or institutions na alam mong matagal nang pinagkakatiwalaan? ‘Yun ‘yung kukunin mo,” pagpapatuloy pa ni Dingdong. 

Ang pangalawang bagay naman na iniisip niya ang pag-iisip kung sino ang karapat-dapat na piliin. 

“Now, when you have these information, you go to the second step which is the discernment process. Ito na ngayon ‘yung alam ko. Ito ‘yung options ko and choices ko. Paano ko ngayon i-aattack ito. Ano ‘yung choice or plan of attack ko sa role. Pero dito, ‘yung discernment process ko on whom to choose? What do I do? I have my set of values na gusto ko sa isang leader,” aniya. 

READ: Dingdong Dantes celebrates 41st birthday with family

Sinabi naman ni Dingdong na ang pipiliin niyang lider ay may integridad, competent, pinapahalagan ang mga tao, at inspiring. 

“Para sa akin, very, very clear, gusto ko ay may integridad, gusto ko competent siya. Gusto ko ‘yung values niya for humanity ay talagang nasa frontline ng kanyang pinaglalaban. And fourth, ‘yung inspiring,” ani Dingdong. 

Kaya naman mahalaga na makilahok umano ang mga tao sa eleksiyon at maging responsableng mga mamamayan. 

“Having said those, titingnan ko ngayon ‘yung pangangailangan ng lipunan at ibabangga ko ‘yun. Tapos dun ko pipiliin ‘Sino kaya ‘yung nagma-match dito sa criteria ko at sa kung ano ‘yung kailangan ng lipunan?’” ani Dingdong.

“I plan, I discern, I act — meaning you have to act on it. Literally, in its sense, i-eexercise mo talaga ‘yung right mo to vote. And in my case, ini-eexcute ko na ‘yung role pero para sa atin, for us citizens, it is our right to vote. This is our part to prove that we are responsible citizens participating in this democratic process,” dagdag pa niya.