• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling binalikan ni Alisah Bonaobra ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa pagsali sa international competition na ‘X Factor UK’ noong 2017.

Alisah Bonaobra, nag-aral ng British accent para sa ‘X Factor UK’

Muling binalikan ni Alisah Bonaobra ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa pagsali sa international competition na ‘X Factor UK’ noong 2017.

Alisah Bonaobra, nag-aral ng British accent para sa ‘X Factor UK’-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/05/2022 12:40 PM
Alisah Bonaobra, nag-aral ng British accent para sa ‘X Factor UK’

Muling binalikan ni Alisah Bonaobra ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa pagsali sa international competition na X Factor UK noong 2017.

Ayon sa singer, kagagaling lamang niya sa pagkatalo sa isang reality talent competition nang naisipan niyang sumubok muli at sumali ng X Factor UK.


"Sobrang iba po 'yung experience ko with X Factor UK since ... hindi po ako nagsabi kay Mama na nag-send ako ng [audition] video. Nag-send po ako ng video doon right after I joined another TV competition na hindi ako pinalad. So after nung competition na 'yun, actually na-depress po ako during that time. Sinasabi ko, para saan [pa] 'yung talent ko? Nalungkot talaga ako kasi binigay ko talaga 'yung best ko," kwento ni Alisah.

"Pero right after that competition, may nag-send sa akin ng link ng X Factor UK. Na sabi niya, try mo po dito idol, baka sakali dito may chance ka.

"Nung nag-send po ako ng video, hindi na ako nag-expect kasi dito nga sa Philippines, I never joined X Factor. Kasi X Factor, talagang total package ka diyan. Hindi lang dapat kumakanta, you should also learn how to perform. 'Yung may dance, may production talaga. So 'yung X Factor UK, kinabahan ako nung nag-reply na po sila. 'Yung kaba ko talaga to the highest level na, hala, tama ba 'yung ginawa ko na nag-send ako ng video?" dagdag niya. 

Pagbabahagi pa ni Alisah, kabilang sa kanyang mga paghahanda para sa nasabing kumpetisyon ay ang pag-aaral ng British accent.

"Ako naman po ay marunong mag-English, pero alam natin na mahirap 'yung British accent. So 'yun 'yung isa sa mga kinabahan ako kasi hindi ko alam paano ako makikipag-communicate with them, kung paano ko ie-express 'yung sarili ko kasi during that time po talaga, hindi pa ako ganun ka-marunong. So talagang pinaghandaan po namin, nag-aral ako ng British accent. Like 'yung sa Peppa Pig," aniya.

READ: Alisah Bonaobra ends journey on X Factor UK

Kwento rin ng mang-aawit, ang mga kasamahan umano ng kanyang ina sa trabaho ang nagtulong tulong upang makabili sila ng plane ticket papuntang London.

"'Yung mga taong tumulong sa amin para makapunta kami doon sa London at makapag-audition po ako nang personal ay mga friends po ni Mama from Manila Doctors Hospital. Talagang nag-ambag ambag po para mabigyan kami ng pamasahe pa-London," aniya.

Matatandaan na bago sumali ng X Factor UK ay sumali rin si Alisah sa sikat na talent show na The Voice of the Philippines noong 2014.

Binigyang diin ng singer na hindi maikukumpara ang kanyang karanasan sa X Factor sa kanyang pagsali sa \The Voice dahil magkaibang journey ito. 

"So 'yung X Factor UK journey ko po is... magkaiba po kasi sila ng level ng The Voice eh. 'Yung The Voice po kasi 'yung first-ever stepping stone ko, and 'yung X Factor UK, dito ako mas binigyan ng chance na ipakita 'yung sarili ko. ... Different experiences po talaga sila sa akin at kung paano ako na-hone as an artist and as a singer po," aniya.

Samantala, bukod sa kanyang X Factor journey ay nagkwento rin si Alisah tungkol sa kanyang bagong awitin na "Ikaw Ang Lahat Sa Akin." Naikwento rin niya ang kanyang buhay bilang isang fur parent, at ang pangarap na magkaroon ng kanyang sariling animal sanctuary balang araw. 

Panoorin ang buong episode dito: 

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.