• Home
  • Fresh Scoops
  • Tapos na sa wakas ang ipinapagawang farmhouse ng mang-aawit na si Yeng Constantino at ng kanyang mister na si Yan Asuncion.

Yeng Constantino, ipinasilip ang rest house

Tapos na sa wakas ang ipinapagawang farmhouse ng mang-aawit na si Yeng Constantino at ng kanyang mister na si Yan Asuncion.

Yeng Constantino, ipinasilip ang rest house-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/04/2022 12:51 PM
Yeng Constantino, ipinasilip ang rest house
Screenshot from Yeng Constantino YouTube Channel

Tapos na sa wakas ang ipinapagawang farmhouse ng mang-aawit na si Yeng Constantino at ng kanyang mister na si Yan Asuncion.

Sa kanyang bagong vlog na inilabas nitong Martes, Mayo 3, ipinasilip ni Yeng ang kanilang rest house o "dream tiny home" na matatagpuan sa kanilang bayan sa Quezon Province.

"Tapos na ang farmhouse namin! Tagal ko nang dream magkaroon ng tiny home katulad ng napapanuod ko sa YouTube! At last ito meron na!!!" aniya.


Sa vlog, ipinakita ni Yeng ang iba't ibang parte ng kanilang farmhouse, kabilang na ang living room, kitchen, bedroom, utility area, at bathroom.

"Ang simple pero ang ganda nitong tiny home namin na ito," ani Yeng. "Rough finish lang 'yung house, ibang iba doon sa bahay namin sa Manila. Kasi 'yun din talaga 'yung ginoal namin. Gusto namin, kapag pupunta kami dito, the moment na makita namin 'yung bahay, alam nami na ibang iba talaga 'yung vibe niya sa bahay namin sa Manila."

Dati nang naikwento ng singer kung bakit napagdesisyunan nila ng kanyang asawa na magpatayo ng rest house sa kanilang probinsya.

“After work, palagi akong bumibisita dito sa aming farm para bisitahin ang aking ama at ang kapatid kong si Cookie ay nandito na,” ani Yeng.

“Since lagi na kami nandito sa farm ni Yan, nagpapatayo na kami ng bahay dito.”

READ: Asawa ni Yeng Constantino, nag-react sa ginawang pag-amin ni Ryan Bang

Kwento niya, sa pagpapagawa ng kanilang bagong bahay ay kinailangan umanong magputol ng ilang puno ng niyog para sa kaligtasan nila ng kanyang mister.
“Medyo heartbreaking nga kasi nu’ng nabili namin ito, nandito na sila. Medyo nakiki-empathize din kami sa mga puno but we had to cut them para sa aming safety,” ani Yeng.

Gayunpaman, siniguro umano nila ng kanyang asawa na magtanim ng 100 mahogany upang maiwasan ang landslide sa kinatatayuan ng kanilang rest house. 

“To make the mountain stronger, para walang maging landslide, prinepara na rin namin ang mga mahogany. 100 mahogany ang tinanim namin dito," ani Yeng. 

Pitong taon nang kasal si Yeng sa kanyang mister, na isa ring musikero.

Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang ika-7 anibersaryo bilang mag-asawa noong Pebrero.