• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa pambihirang pagkakataon ay naging bukas si Kylie Verzosa tungkol sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Jake Cuenca.

Kylie Verzosa, aminadong nami-miss pa rin si Jake Cuenca

Sa pambihirang pagkakataon ay naging bukas si Kylie Verzosa tungkol sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Jake Cuenca.

Kylie Verzosa, aminadong nami-miss pa rin si Jake Cuenca-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/31/2022 05:29 PM
Kylie Verzosa, aminadong nami-miss pa rin si Jake Cuenca
Photo credit: @juancarloscuenca Instagram (left)/ @kylieverzosa Instagram

Sa pambihirang pagkakataon ay naging bukas si Kylie Verzosa tungkol sa naging hiwalayan nila ng aktor na si Jake Cuenca.

Sa panayam ni Vice Ganda, inamin ng beauty queen na pinoproseso pa rin niya hanggang ngayon ang nangyari sa kanila ng kanyang dating nobyo.

"Pina-process ko pa talaga lahat. Process siya. Hindi siya biglaan," ani Kylie.


"Siyempre bago pa lang eh, tsaka masakit pa rin. Minsan, especially kapag pagod ka na, hindi mahe-help na balikan. Doon ako nalulungkot pa rin."

Ayon kay Kylie, masakit para sa kanya ang mga nangyari dahil inakala niyang si Jake na ang taong makakasama niya sa panghabang buhay.

"Akala ko siya na," pag-amin ng aktres. "Akala ko hindi na ako magkakaroon ng heartbreak. Akala ko siya na. Tsaka nagmahalan kami eh. We loved each other. Sobrang happy kami sa relationship and sobrang grateful ako sa relationship namin, sobra."

Sa panayam ay ipinaliwanag din ni Kylie kung bakit mas pinili niyang manahimik na lang sa gitna ng isyung hiwalay na sila ni Jake. 

"Kasi sobrang fresh, sobrang bago. Tsaka parang hindi ko pa talaga na-process lahat nung bagay. Tapos hinayaan ko lang. In shock [pa ako] and ayaw kong magbitaw ng mga salita na pagsisisihan ko sa dulo. Kapag hindi ko pa na-fully process, hindi ko pa masasabi, hindi ko pa sasabihin," aniya.

Matatandaan na minsang naging laman ng balita ang aktres matapos na maging emosyonal nang maging paksa ang hiwalayan sa live episode ng It's Showtime.

Kwento ni Kylie, noong mga panahong iyon ay wala pa siyang ibang napagsasabihan tungkol sa pinagdadaanan nilang problema ng aktor.

READ: Here’s why Kylie Verzosa broke down in tears on ‘It’s Showtime’

"Parang nagulat kasi ako nung sinabi mo (Vice Ganda) 'yung line na 'yun, kung challenge lang ba 'yun o sign. Parang swak na swak kasi 'yun sa pinagdadaanan ko noon. [That day, confusing pa 'yung situation] atsaka wala akong kausap eh. Wala akong pinagsasabihan," ani Kylie. 

"Choice ko siya [na manahimik] at that moment, na hanggang dito lang muna 'yung mashe-share ko. So hindi ako nagshe-share sa ibang tao pero mainitin 'yung ulo ko nun eh. As in, nararamdaman nung glam team ko. Nararamdaman ng tao na may pinagdadaanan ako pero hindi ko siya masabi. Ganun lang ako na tao.

"Nung sinabi mo 'yun phrase na 'yun, parang may nakaintindi. Parang for the first time, naramdaman ko 'yung parang, 'Swak 'to sa nararamdaman ko na hindi ko naman shine-share sa ibang tao.' Fun ako, usually maingay ako, nakikipag-chikahan. Pero at those times, quiet lang ako. Matipid ako sa salita."

Samantala, hindi naman mapigilan ni Kylie na maging emosyonal nang tanungin ni Vice kung nami-miss pa rin ba niya si Jake.

"Oo naman," aniya. 

READ: Kylie Verzosa on breakup with Jake Cuenca: ‘My heart is getting better every day’

Ayon kay Kylie, sa kabila ng mga nangyari ay wala umano siyang nararamdamang galit o sama ng loob kay Jake. 

"May nabasa akong quote weirdly before kami nag-usap na parang breakups don't need to be painful or hard. Parang pwede naman na may acceptance on both parts. [Though] it doesn't happen right away, hindi siya agad-agad nangyayari. Matagal 'yung buong proseso," paliwanag niya.

Wala rin umano siyang pinagsisisihan o pinanghihinayangan sa naging samahan nila ng aktor.

"Siyempre naririnig ko sa ibang tao na parang sayang. Pero para kasi sa akin hindi siya sayang eh. Natulungan namin 'yung isa't isa. Nagmahalan kami. Tulungan kami sa isa't isa. So para sa akin hindi 'yun sayang. Nag-grow kami together as individuals, so bakit siya sayang?" sabi pa niya.