• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag ni Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang dahilan para manatiling Kapamilya.

Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nakatanggap ng offer para mag ober da bakod?

Ipinaliwanag ni Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang dahilan para manatiling Kapamilya.

Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nakatanggap ng offer para mag ober da bakod?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/30/2022 11:08 AM
Loisa Andalio at Ronnie Alonte, nakatanggap ng offer para mag ober da bakod?
Photo credit to @iamandalioloisa Instagram

All set na ang Kapamilya on and off screen partners na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa pagsisimula ng kanilang series na Love In 40 Days.

Kaya naman beyond thankful ngayon ang nararamdaman ngayon nina Loisa at Ronnie sa panibagong oportunidad at pagkakataon na sila ay magkaroon ng trabaho muli.


Matatandaan na sa bahagi ng panayam ng PUSH, ibinahagi ni Loisa na tulad ng maraming Pinoy, isa rin siya sa nakaranas sa malaking dagok ng COVID-19 pagdating sa kaniyang trabaho at finances.

RELATED ARTICLE: Loisa Andalio, muntik nang talikuran ang showbiz?

At gaya ni Loisa, aminado rin si Ronnie na marami ang naituro sa kaniya ang dalawang taon na tigil trabaho dahil sa COVID-19 restrictions at pagsasara ng ABS-CBN.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)

“Actually na handle ko ‘yun sa tulong ng Diyos, nagawa niya akong makuntento,” sambit ni Ronnie. “Noong nakuntento ako, naging madali ‘yung buhay ko. Noong nakuntento ako bukod sa naging madali ang buhay ko, mas dumami pa ‘yung blessings ang dumating na hindi ko ine-expect so relax, dasal, and enjoy,” paliwanag ng Kapamilya star.

Dahil sa pagka-deny ng prangkisa ng ABS-CBN, inamin nina Ronnie at Loisa na nakatanggap sila ng offer na mag-trabaho sa ibang network.

“Hindi naman namin itatanggi,” mabilis na tugon ng Kapamilya star. ”Nag-offer sila, pero hanggang offer lang. Pero at the end of the day andito kami sa ABS-CBN may bagong show binigyan kami ng opportunidad na makagawa ng bagong teleserye kaya, happy,” ani Ronnie

Para kay Loisa, isa rin sa kanilang kinonsidera na tanggihan ang offer ay ang pagmamahal ng ABS-CBN sa kanila sa gitna ng pinagdaanang unos ng kompanya.

“May mga offer pero siyempre dahil sa ABS-CBN kami nanggaling, may binibigay naman sa amin, why not? Bakit kailangan lumipat at talagang binibigyan naman kami ng worth,” sambit ni Loisa.

“Naramdaman namin ang pagmamahal sa amin ng ABS-CBN,” pahayag ni Ronnie.

Sa ngayon, mas minabuti ni Ronnie at Loisa na ipagpatuloy ang kanilang trabaho bilang mga Kapamilya na bibida sa Love In 40 Days na mapapanood sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment YouTube, Tv5 at A2Z channel 11.