• Home
  • Fresh Scoops
  • Agad na humingi ng paumanhin si Herlene Budol sa kaniyang tila double meaning na pahayag.

Herlene Budol, nag sorry sa kaniyang ‘offensive’ joke sa social media

Agad na humingi ng paumanhin si Herlene Budol sa kaniyang tila double meaning na pahayag.

Herlene Budol, nag sorry sa kaniyang ‘offensive’ joke sa social media-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/30/2022 09:40 AM
Herlene Budol, nag sorry sa kaniyang ‘offensive’ joke sa social media
Photo credit to @herlene_budol Instagram

Tila hindi nagustuhan ng netizens ang naging social media post ng Binibining Pilipinas hopeful na si Herlene Nicole Budol o mas kilala ng publiko bilang si “Hipon Girl”.

Sa series of mga kasabihan ng aspiring beauty queen, pumukaw ng atensyon ang isang post ni Harlene na tila kawalan ng respeto sa kapwa niya mga kababaihan.

“Ang mga babae, maganda man o hindi nirerespeto yan!” sambit ni Harlene sa post na sinundan ng kaniyang kasabihan.


“Ako nga pala si Binibini #8 - Nicole Budol a.k.a. Herlene Hipon at naniniwala sa kasabihan ‘Aanhin mo pa ang babaeng sexy at maganda kung halos lahat ng lalake nag planking na sa kanya’ And i....Hip n!!”

Dahil dito, samu’t saring komento mula sa netizens ang inani ni Herlene.

“May mga bagay na need din talaga magseryoso lalo na yung sinasalihan mo is pageant about Women Empowerment,” ani ng netizen sa comment.

Para naman sa isang netizen, naniniwala ito na sana ay queenly thoughts na lang aniya ang kaniyang ibahagi sa social media.

“Queenly thoughts and quotes na lang lagi, BbP is watching! Focus na sa core, purpose and advocacy. We love you, Nicole!    ”

Ayon naman sa isang comment, tamang pag-gamit ng mga salita ang dapat tutukan ni Herlene lalo pa at maraming tao ngayon ang nakatutok sa kaniya at nais niyang makasungkit ng korona sa Binibining Pilipinas.

“You are Beautiful Herlene. Always remember that. May you always choose words that inspire people. Kindness is your virtue. Your journey to Bb. Pilipinas will never be easy, just talk and walk with grace. All the best for you!”

Sa inaning mga komento ni Herlene agad naman itong kumambyo at humingi ng paumanhin sa kaniyang naging palabirong post sa social media.

“My apologies po. Palabiro lang po ako sa mga kasabihan ko po. Hayaan niyo po hindi na po mauulit. Salamat po sa mga reminders. love u all po  ” pahayag ni Harlene.

Herlene Budol, nag sorry sa kaniyang offensive joke sa social media

RELATED LINK: Samantha Bernardo, bet nga ba si Herlene Budol as next Miss Grand International PH?

Si Herlene ay isa sa 40 candidates ng 2022 batch ng Binibing Pilipinas kung saan gaganapin ang coronation night ngayong Hulyo.