Dating ‘The Voice Teens’ first runner-up na si Lala Vinzon, pasok sa Binibining Pilipinas

Pasok na sa Binibining Pilipinas si Lala Vinzon.

Dating ‘The Voice Teens’ first runner-up na si Lala Vinzon, pasok sa Binibining Pilipinas-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/03/2022 10:57 AM
Dating ‘The Voice Teens’ first runner-up na si Lala Vinzon, pasok sa Binibining Pilipinas
Photo credit to @lalavinzon Instagram

Sasabak na sa national beauty pageant si Lala Vinzon.

Masayang inanunsiyo ng dating The Voice Teens contestant na pasok na siya sa Binibining Pilipinas. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lala Vinzon (@lalavinzon)


It's official! I'm Ma. Isabela David a.k.a Lala Vinzon your binibini 18,” saad ni Lala sa caption ng kanyang post. 

Agad naman nagapakita ng suporta ang mga fans ni Lala na ipinagsigawan ang hashtag na #LALAban. 

Sasali naman si Lala sa kompetisyon hindi bilang Lala Vinzon kundi bilang Ma. Isabela David. 

READ: Music video of Lala Vinzon’s new single released

Noon pa man, sumasali na si Lala sa mga beauty pageants sa kanyang lugar sa Pampanga. 

Samantala, taong 2017 naman nang sumali si Lala sa kauna-unahang edisyon ng The Voice Teens sa Pilipinas. Naging parte siya ng Camp Kawayan ni Bamboo sa nasabing kompetisyon. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lala Vinzon (@lalavinzon)

Mas lalo namang nakilala si Lala nang lumabas ito sa longest-running variety show na ASAP. 

Ilan sa mga inilabas na kanta ni Lala ang “Right Now," "Lihim," and "Pansamantala.” Nakatrabaho niya rin ang Malaysian actor-singer na si Alvin Chong para sa awiting "We Got This."

Sa kabila ng kanyang pagiging busy sa showbiz, ginawa pa ring prayoridad ni Lala ang kanyang pag-aaral at grumadweyt sa senior high school noong nakaraang taon. 

READ: Singer Lala Vinzon finishes senior high school

Si Lala ay anak ng action star na si Roi Vinzon na kilala sa mga pelikula gaya ng Lucas AbelardoAdan LazaroBaby PaternoJesus Salonga Alyas Boy Indian, at Antonio Cuervo - Police: Walang Pinipili ang Batas.

Lumabas din si Roi sa hit teleserye ng Kapamilya network na FPJ’s Ang Probinsyano. Maging si Lala ay lumabas din sa Ang Probinsyano.