• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot ni KC Concepcion ang tanong kung may posibilidad na doon na siya manirahan sa US.

KC Concepcion, tuluyan na nga bang maninirahan sa US?

Sinagot ni KC Concepcion ang tanong kung may posibilidad na doon na siya manirahan sa US.

KC Concepcion, tuluyan na nga bang maninirahan sa US?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/27/2022 09:09 AM
KC Concepcion, tuluyan na nga bang maninirahan sa US?
Photo credit to @kristinaconcepcion Instagram

“If God would will it, then I wouldn’t mind it at all.” 

Ito ang sagot ng aktres na si KC Concepcion matapos tanungin ng isang fan kung may posibilidad na lumipat siya sa US upang doon na manirahan. 

Nitong Martes, ika-24 ng Mayo, sinagot ni KC ang mga tanong mula sa ilang fans. Isa na dito ang paglipat sa New York. 

Nasa US ngayon si KC para sa Hollywood film na Asian Persuasion na kanyang pagbibidahan. 

Tanong ng isang fan: “Aren’t [you] considering moving to NYC (New York City)? The Big [Apple emoji] happiness glow suits you very well.” 

READ: KC Concepcion replaces Toni Gonzaga in ‘Asian Persuasion’ film

Sagot naman ni KC, kung papahintulutaan nang Maykapal, hindi niya ito tatanggihan lalo pa’t espesyal umano para sa kanya ang New York. 

“If God would will it, then I wouldn’t mind it at all. [New York City] has become a pretty special place to me,” saad ni KC. 

Matatandaang mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula nang ibahagi ni KC na tapos ang paggawa nila ng nasabing pelikula. 

READ: KC Concepcion done filming int’l film ‘Asian Persuasion’

Si Toni Gonzaga ang unang napili para sa pagbibidahan niyang karakter ngunit hindi na tumuloy ang una dahil sa umano’y “schedule conflicts.” 

Una nang sinabi ni KC na matagal niya na gusto gumawa ng pelikula gaya nang ginawa ng Asian Persuasion. 

“I’m very happy na nung binasa ko pa lang yung script, na feel ko agad na this is for me. It was the perfect role for a romantic-comedy na matagal ko nang gustong gawin. It was so perfect and to come back with this project... nakaka-proud," ani KC sa isang panayam sa ABS-CBN News.