• Home
  • Fresh Scoops
  • Nakiusap si Alyssa Valdez na huwag nang gumawa ng mga spekulasyon tungkol sa umano’y hiwalayan nila ni Kiefer Ravena.

Management ni Alyssa Valdez, naglabas ng pahayag tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Kiefer Ravena

Nakiusap si Alyssa Valdez na huwag nang gumawa ng mga spekulasyon tungkol sa umano’y hiwalayan nila ni Kiefer Ravena.

Management ni Alyssa Valdez, naglabas ng pahayag tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Kiefer Ravena-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/26/2022 06:04 PM
Management ni Alyssa Valdez, naglabas ng pahayag tungkol sa isyung hiwalayan nila ni Kiefer Ravena
Photo credits: @alyssa_valdez2 on Instagram

Naglabas ng pahayag ang talent management ni Alyssa Valdez na hiwalay na sila ni Kiefer Ravena. 

Nilinaw ng VMG Asia na hindi totoong may third party sa relasyon nina Alyssa at Kiefer. 


Nakiusap din ng VMG Asia na sana ay respetuhin ang desisyon ni Alyssa na huwag na panatilihing munang pribado ang mga bagay sa ngayon. 

“A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party. Let us avoid making up stories & spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa’s decision to keep things private,” saad ng VMG Asia. 

Nagpasalamat din ng VMG Asia sa mga tagahanga ni Alyssa na patuloy na sumusuporta sa kanya. 

“Thank you to all the fans who have loved and supported Alyssa through the years. We know you will continue to be there for her,” ani pa ng VMG Asia.

READ: Kiefer Ravena and Alyssa Valdez celebrate fourth anniversary as a couple

Sinabi ng VMG Asia na hindi na sila magpapaunlak nang anumang panayam o sasagot ng mga tanong na may patungkol sa hiwalayan nina Alyssa at Kiefer.  

“This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding,” ani ng VMG Asia sa pagtatapos ng inilabas nilang pahayag. 

Humingi din ng pakiusap si Alyssa na tigilan na ang pagkakalat ng maling impormasyon sa publiko. 

“Please avoid making up stories & spreading false rumors. Thank you for all the love,” saad ni Alyssa sa kanyang tweet. 

May mensahe naman ang manager ni Alyssa na si Vania Edralin para sa kanya. 

“It’s always sad to see people grow apart, but I am hopeful you’ll both find your way. Will always be here for you Ly. Love ü,” ani Vania sa isang tweet. 

Nakilala si Alyssa Valdez bilang varsity volleyball player ng Ateneo de Manila University kung saan naging miyembro siya ng Ateneo Lady Eagles. 

Noong nakaraang taon, pumasok si Alyssa sa Bahay ni Kuya bilang isa sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Isa siya sa itanghal na Top 2 para sa celebrity housemates. 

Samantala, dapat sana ay papasok muli ng Big Brother house si Alyssa para muling harapin ang mga hamon ni Kuya ngunit nagdesisyon itong hindi na ituloy ang laban dahil sa kanyang nakatakdang laro sa SEA Games. 

READ: Alyssa Valdez pens message as she relinquishes ‘PBB’ spot

Si Kiefer naman ay dating miyembro ng Ateneo Blue Eagles kung saan naglaro siya bilang point guard. Pinagpatuloy naman niya ang kanyang professional career bilang isang basketball player. 

Kinumpirma nina Alyssa at Kiefer ang kanilang relasyon noong taong 2016.