• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Freddie Aguilar kamakailan ang isang litrato kasama ang kanyang asawa na kuha mula sa kanilang date.

Freddie Aguilar, ibinida ang kanyang ‘bhabe’; netizens, napa ‘sana all’

Ibinahagi ni Freddie Aguilar kamakailan ang isang litrato kasama ang kanyang asawa na kuha mula sa kanilang date.

Freddie Aguilar, ibinida ang kanyang ‘bhabe’; netizens, napa ‘sana all’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/26/2022 10:30 AM
Freddie Aguilar, ibinida ang kanyang ‘bhabe’; netizens, napa ‘sana all’
Photo credit to Freddie Aguilar Facebook

Nitong mga nakaraang linggo, naging usap-usapan sa social media ang isang litrato na ipinost ng OPM icon na si Freddie Aguilar kasama ang kanyang asawa na si Jovie Albao. 

Ang nasabing litrato ay kuha sa isang restoran sa isang mall sa Quezon City noong ika-14 ng Mayo. 

Marami ang kinilig na online citizens at napa-sana all na lang matapos tawagin na “bhabe” ng “Anak” hitmaker si Jovie. 


READ: Parents of Freddie's minor girlfriend, daughter Meagan air support for the couple's wedding plans

“Lunch date kami ni bhabe kanina lang sa Italiannis UP Town Center. Love you bhabe ko,” saad ni Freddie sa caption ng kanyang post. 

Mayroon nang higit 11,000 reactions, 1,400 comments, at 7,700 shares ang nasabing litrato nina Freddie at Jovie.

: Freddie Aguilar ibinida ang kanyang bhabe

Taong 2013 nang ikasal si Freddie sa isang Muslim wedding kay Jovie. Napuno ng kritisismo ang kanilang pagpapakasal dahil menor de edad pa si Jovie noong mga panahong iyon. 16 taong gulang lamang si Jovie nang ikasal siya kay Freddie na noo’y 60 taong gulang naman. 

Naganap ang kanilang kasal sa Buluan, Maguindanao. 

Sa isang panayam sa media noong 2013, sinabi ni Jovie na masaya siya sa desisyon niyang magpakasal kay Freddie. 

"Siyempre masaya ko, kasi hindi naman nabubuhay para sa ibang tao," ani Jovie. 

"Nabubuhay kami para sa sarili namin. 'Yung ginagawa namin dahil gusto namin 'to, mahal namin ang isa't-isa at pinapatunayan lang namin ang pagmamahal namin,” dagdag pa niya. 

Nakiusap naman si Freddie noong panahong iyon na tigilan na ang “paninira” sa kanilang dalawa. 

READ: Maegan Aguilar on her father Freddie Aguilar’s wife: ‘Bakit ko siya gugustuhin?’

"Sana tumigil na 'yung mga detractors namin. Kasi kaya nga kami nagpakasal kasi ayaw ngang tumigil 'yung mga paninira sa aming dalawa," saad ni Freddie.

 "So naisipan naming dalawa na kung magpapakasal na kami ay titigil na lahat, hindi na nila iisipin na kasalanan 'yung ginagawa namin,” dagdag pa niya.