• Home
  • Fresh Scoops
  • Patuloy aniya ang paglaban ni Kris Aquino sa very rare health condition nito.

RB Chanco, nagbigay update sa kalagayan ni Kris Aquino

Patuloy aniya ang paglaban ni Kris Aquino sa very rare health condition nito.

RB Chanco, nagbigay update sa kalagayan ni Kris Aquino-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/25/2022 05:39 PM
RB Chanco, nagbigay update sa kalagayan ni Kris Aquino
Photo courtesy @rbchanco

Sa naganap na Love In 40 Days media conference, present at all out ang support ng manager ni Ronnie Alonte na si RB Chanco.

Si RB ay isang renowned celebrity makeup artist na isa sa masasabing malapit na kaibigan rin ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

At bilang malapit na kaibigan ni Kris, nahingan ng PUSH ng update si RB sa current health condition ng Queen of All Media.


“Kris now is really sick,” bungad ni RB.

Matatandaan na recently, ibinalita ni Kris sa kaniyang social media platform ang ilan sa naging findings ng medical experts sa kaniyang kalusugan.

Ayon kay RB, masasabing “very rare” ang karamdaman ng TV personality.

“I don’t know if she wants me to announce this or I have to ask her. Well you’ve seen naman her Instagram her videos na she’s really going through a sickness that her doctors are saying na one in a million. It’s really rare,” ani RB.

Dahil sa current health condition ni Kris, bilang kaibigan ibinahagi rin ni RB ang kanilang doble-dobleng pag-iingat.

“With her auto immune [condition] has already… and talagang immuno-compromised ba ang term, parang she cannot just go anywhere and we really be very careful. If we visit, we have to do PCR up until now even if the pandemic restrictions loosened up. We can naman visit naman but we have to do PCR testing first. Kasi once na tamaan siya, it’s really scary and we don’t want naman be the reason na magdala ng virus sa bahay,” sambit nito.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RB A. CHANCO (@rbchanco)

Sa kabila ng laban na hinaharap ni Kris ngayon sa kaniyang kalusugan, proud and very happy si RB na nanatiling optimistic ang mga anak nito na sina Josh at Bimby.

“I’m very happy that Bimb and Kuya Josh are very mature and Kris really raise them very well. Kasi of course they feel what’s going on with their mom and of course talagang nag-aalala sila, but nakikta nila na talagang their mom is fighting and they know and secured ang feelings nila na, ‘Gagawin lahat ng mom and nothing will happen to her. She will fight from her sickness,’” kuwento pa niya.

Aminado rin si RB na malungkot siya sa health challenge na ito ni Kris.

“She’s really fighting of course, pero nagulat kami sa mga bago pang test result and ang mga ito ay nasabi naman niya sa social media. Parang ‘yun naman… parang ‘yung mga bago niyang sickness… Ang mga doctors kasi niya are really looking after her and magagaling, pero siyempre nakakalungkot of course,” aniya pa. “Of course she’s fighting and she’s trying her best.”

Hindi na aniya bago kay Kris ang mga “fake news” na lumalabas ngayon sa social media tungkol sa karamdaman ng TV personality.

“Hindi niyo mapapatay si Kris at lalaban at lalaban si Kris as long as buhay si Bimb at Kuya Josh. Yun lang ang masasabi ko. And as long as si Kuya Bimb and Josh ay wala pa doon sa certain age na hindi pa kaya, she will wait for Bimb to graduate and probably have a wife and his own family. Hindi mawawala si Kris Aquino, babalik at babalik si Kris Aquino at iintayin natin siya,” pahayag nito.