• Home
  • Fresh Scoops
  • Balik-trabaho na Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Naghahanda na rin sa kanilang future?

Loisa Andalio, Ronnie Alonte sinagot ang ‘live in’ issue; handa na rin magpakasal?

Balik-trabaho na Loisa Andalio at Ronnie Alonte. Naghahanda na rin sa kanilang future?

Loisa Andalio, Ronnie Alonte sinagot ang ‘live in’ issue; handa na rin magpakasal?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/25/2022 05:09 PM
Loisa Andalio, Ronnie Alonte sinagot ang ‘live in’ issue; handa na rin magpakasal?

Beyond grateful ngayon ang Kapamilya on- and off-screen tandem na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang Kapamilya series, Ang Love In 40 Days.

Ito ang pagbabalik tambalan sa telebisyon ng LoiNie tandem na huling napanood sa Unloving U noong 2021.

Kasabay ng kanilang media launch, isa-isang nasagot nina Loisa at Ronnie ang ilang naging tanong ng entertainment press kabilang na ang tila naging sikreto ng kanilang halos anim na taong relasyon.


“Siguro ang relasyon namin ni Ronnie, parang kaming mag-tropa, mag best friend. Hindi kami gaya ng iba na pag may problema kami, dinidibdib talaga namin, pinag-aawayan namin. Kasi talagang pag may problema kami, pinag-uusapan namin agad and tingin ko ‘yun ang kinatagal ng relationship namin. Communication and trust,” sambit ni Loisa.

Para kay Ronnie naman, nakikita niya na ang sikreto ng kanilang relasyon ay ang pagpapaka-totoo sa isa’t isa.

“Sa ngayon kasi, andon na kami sa punto ng wala na kaming paki-alam sa mga sinasabi ng ibang tao sa amin. Gingawa lang talaga namin kung ano ba talaga ang gusto namin off cam and sa mga pino-post namin sa Instagram na pino-post namin, nagpapaka-totoo lang kami. Hindi namin sino-showbiz lahat, may masabi sila sa amin wala kaming paki. Basta masaya kaming dalawa.”

Dito, isa rin sa sinagot Loisa at Ronnie ang isyu ng pagsasama umano nila sa isang tahanan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ronnie Alonte (@iamr2alonte)

“Actually may isyung ganun,” sambit ni Loisa.

Paliwanag ng Kapamilya star: “Kasi magkalapit ang bahay namin, 15 minutes away lang Cavite siya, Laguna lang ako so parang, ‘Beh, kailangan ko kausap, usap tayo’ so ang dali lang magpunta. So kami, tara picture kami, picture tayo, pero hindi ko alam na ang issue pala is live in na. Pero ako naman, as long as na alam ko naman na hindi, okay naman kami, hindi ko naman na pinapatulan.”

At kung tatanungin naman si Loisa sa kaniyang saloobin sa usapin ng “live in,” aniya, “Puwede naman. Pero kasi depende e’, depende sa family mo kung paano ka pagkakatiwalaan and siyempre dapat alam mo din ang priority mo na hindi mo pababayaan ang family mo. I think wala naman masama don kasi ang dami rin naman mga magka-live in ngayon na nagtutulungan sila para mag grow,” paliwanag nito.

Pero paglilinaw ni Ronnie na tila pinagtatawanan na lang ang ilang usapin ng kanilang relasyon: “Lagi nalang ganyan ang issue sa amin.”

Patuloy man na iniintriga, isa lang rin ang binigyang diin ni Ronnie.

“Masaya kami na lagi kami magkasama, and siyempre mayroon kaming mga aso and mga babies kami na kailangan namin lagi kami nagkikita. Natatawa na lang ako, pero wala lang.”

Pagbabahagi pa ni Ronnie, mas pinipili rin nila ni Loisa na manahimik na lang sa lahat ng mga kontrobersya na ibinabato sa kanilang dalawa.

“Kami nga, sabi nga namin ni Loisa na ‘yung mga lumalabas na issue, wag na tayo maki-sali. Dumating na rin kasi ang punto na ang daming sinasabi ng mga tao at ang bigat sa pakiramdam pag lagi mo sila pinapansin. So ngayon kami, hindi namin pinapansin, mas maluwag kaming nakakagalaw at mas tahimik ang buhay namin. Wala silang ibabatong masama sa amin hanggang ngayon, wala kaming ginagawa, wala kaming inaapakang tao.”

Sundot ni Loisa: “Sabi nga nila ang mga hindi nila nagkikita, hindi nila maibabato nila sa’yo, kaya importante ang privacy pa rin.”

Mula sa usapin ng sikreto ng kanilang relasyon hanggang sa issue ng pagsasama, isa rin sa naging tanong ng media ay kung napag-uusapan na ba ang kasalan?

“Hindi pa siguro ngayon or ano, darating tayo duon,” tugon ni Ronnie. Aniya; “Sa ngayon ang focus namin is i-enjoy ang buhay namin hangga’t bata pa kami, mag-ipon para pagdating or dumating ang panahon na kailangan na, e di tara na!”

Ayon sa Kapamilya star, naniniwala sila ni Loisa na marami pa silang kailangangan na gawin.

“Darating tayo diyan kasi siguro sa ngayon, i-e-enjoy lang muna namin medyo. Bata pa kami para don and wag po kayo mag-alala, ‘yun naman ang mindset namin. Naka-plano ‘yun, pero hindi pa ngayon,” tugon ni Ronnie na sinang-ayunan ni Loisa.

“Tama po ‘yung sinabi ni Ronnie, kasi ayaw po namin na pumasok sa ganung kataas na level of relationship na engagement na, kasi tama po. Ang babata pa po namin and marami pa kaming gagawin rin basta andito kami, to support each other.”

Ngayong May 30, mapapanood na sa iWant TFC, TV5, at iba pang platform ng ABS-CBN sina Loisa as Jane at Ronnie as Edward sa Love In 40 Days.