• Home
  • Fresh Scoops
  • Lilipad sana patungong Vietnam si Cong Velasquez nang magdesisyon itong hindi ituloy ang kanyang pag-alis para kay Viy Cortez.

Cong Velasquez, hindi tumuloy pa-Vietnam para kay Viy Cortez; netizens, kinilig

Lilipad sana patungong Vietnam si Cong Velasquez nang magdesisyon itong hindi ituloy ang kanyang pag-alis para kay Viy Cortez.

Cong Velasquez, hindi tumuloy pa-Vietnam para kay Viy Cortez; netizens, kinilig-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/22/2022 10:12 AM
Cong Velasquez, hindi tumuloy pa-Vietnam para kay Viy Cortez; netizens, kinilig
Photo credits: Cong TV on YouTube and @thecongtv on Instagram

Maraming netizens ang kinilig sa desisyon ni Cong Velasquez na hindi ituloy ang kanyang paglipad papuntang Vietnam para sa partner niyang si Viy Cortez.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cong TV (@thecongtv)

Ito ay matapos niyang mapagtanto ng kilalang gamer at YouTuber na mas kailangan siya ng kanyang partner dito sa Pilipinas. Nagdadalang-tao ngayon si Viy sa unang anak nila ni Cong.


Dapat lilipad si Cong papuntang Vietnam para manood sa egames ng Southeast Asian Games.

Sa isang vlog na may pamagat na “PAASAPORTE,” ipinakita ni Cong ang mga nangyari bago ang kanyang sorpresa kay Viy.

Dito, humiling pa si Cong sa kanyang kapatid na si Junnie Boy na samahan si Viy habang sa Vietnam siya. 

READ: Cong Velasquez and Viy Cortez expecting baby boy

Makikita pang pumayag si Viy na lumipad siya papuntang Vietnam sa kabila ng kasalukuyan nitong sitwasyon.

Gayunpaman, mahigit isang taon nang nawawala ang pasaporte ni Cong. Ngunit sa tulong ng nanay niya, nahanap niya pa rin ito.

Nang dumating na si Cong sa airport, naramdaman niyang parang may mali kaya naman umuwi na lamang ito — bagay na ikinasorpresa ni Viy.

“‘Di ba sabi ko kanina ito ang storya na nagpapakita na lahat, posible. Akalain mo ‘yun, posible pa lang kalimutan na lahat ng mga masasarap na bagay. Gustong gusto ko sana sumama at maglakbay pero tsaka na lang siguro, ‘pag kasama ko na kayong dalawa,” pagsasalaysay ni Cong.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cong TV (@thecongtv)

Sa dulo ng vlog, makikita ang labis na tuwa ni Viy habang niyayakap ni Cong.

Nakaramdam ng magkahalong kilig at pagkaantig ng damdamin ang mga netizens dahil sa ginawa ni Cong. 

Kilala sina Cong at Viy bilang bahagi ng grupo ng mga content creators na Team Payaman.