• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Angeline Quinto pa umano ang nanghihingi ng pera sa partner niya na si Nonrev Daquina.

Angeline Quinto, inaming ‘pineperahan’ niya ang non-showbiz partner: ‘Ako ‘yung namemera sa kanya’

Si Angeline Quinto pa umano ang nanghihingi ng pera sa partner niya na si Nonrev Daquina.

Angeline Quinto, inaming ‘pineperahan’ niya ang non-showbiz partner: ‘Ako ‘yung namemera sa kanya’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/22/2022 10:05 AM
Angeline Quinto, inaming ‘pineperahan’ niya ang non-showbiz partner: ‘Ako ‘yung namemera sa kanya’
Photo credits: @loveangelinequinto on Instagram

Taliwas sa marahil iniisip ng karamihan dahil sa estado niya sa buhay bilang isang artista, si Angeline Quinto umano ang namemera sa kanyang partner na si Nonrev Daquina. 

Sa isang vlog na inilabas ni Angeline, sumalang sa unang pagkakataon sa isang Q&A ang partner nito at ama ng kanyang unang anak na si Sylvio. 


Isa sa mga naitanong kay Nonrev ang mga isyu na may patungkol sa tunay na intensyon kay Angeline kabilang na ang umano’y pakikipagrelasyon niya sa Kapamilya singer dahil sa pera nito. 

Pabirong sagot ni Nonrev na makikitang tumatawa sa bidyo, siya pa umano ang pineperahan. “Ako talaga yung pineperahan dito,” ani Nonrev. 

READ: Angeline Quinto, partner hold baby shower

Ngunit ayon kay Angeline, totoo umano ito.

“Ako ‘yung namemera sa kanya. Totoo ‘to,” saad ni Angeline. 

Paliwanag niya: “Kasi wala akong GCash, wala po akong GCash dito sa cellphone ko, so every time magkukulang ‘tong pera ko pambayad sa Grab, sa kanya ako nakikiusa.” 

“Nung buntis ako, ang dami kong gustong kainin. Ang dami talagang moment na madaling araw, wala talaga akong cash, GCash niya ubos na, so from bangko niya magta-transfer pa siya sa GCash niya para lang makapagbayad,” dagdag pa niya. 

READ: Angeline Quinto rejoices in being a first-time mom: ‘Motherhood unlocked’

Ngunit tila hindi makakatakas si Angeline sa kanyang mga utang dahil inililista umano ito ni Nonrev. 

“Magugulat na lang ako, nakalista lahat!” ani Angeline. 

“Sinasabi ko sa kanya na babayaran ko naman talaga yun kasi hinihiram ko talaga,” ani pa niya. 

Sa nasabing vlog, diretsahang sinagot ni Nonrev ang mga tanong tungkol sa kanyang nakaraan kabilang na ang umano’y pagiging “batang ama” niya.

Inamin ni Nonrev na apat na ang kanyang anak: dalawa sa kanyang unang partner, isa sa kanyang pangalawang partner, at isa ulit kay Angeline.