• Home
  • Fresh Scoops
  • Namaalam na si Susan Roces ngayong Biyernes, ika-20 ng Mayo.

Susan Roces, pumanaw na

Namaalam na si Susan Roces ngayong Biyernes, ika-20 ng Mayo.

Susan Roces, pumanaw na-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/20/2022 11:22 PM
Susan Roces, pumanaw na

Pumanaw na ang beteranang aktres at Pinoy movie legend na si Susan Roces sa edad na 80.  

 

 

Ito ang kinumpirma ng anak niyang si Grace Poe sa isang pahayag na inilabas ng opisina nito.  

"With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces," ani Grace.  

"She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends," dagdag pa niya.  

"She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness,” pagpapatuloy pa nito.  

Unang naglabas ng pahayag ang batikang showbiz columnist at vlogger na si Ogie Diaz sa isang tweet.  

Rest in peace, Tita Susan Roces,” saad ni Ogie sa kanyang tweet.  

Ayon kay Ogie, nalaman niya ito sa kapatid ni Sheryl Cruz na si Lawrence Sonora Cruz pamamagitan ng isang Facebook post. Si Sheryl ay pamangkin ni Susan.  

Si Wowie, kapatid ni Sheryl Cruz at pamangkin sila ni Tita Susan. Sa kanya ko nalaman. Nakakalungkot. Salamat sa lahat ng payo at kwento, Tita Su,” ani Ogie.  

 

 

Sa ngayon, wala pang eksaktong detalye tungkol sa dahilan ng pagkamatay nito.  

Isa sa hindi malilimuntang pagganap ni Susan sa telebisyon ang karakter niya bilang Flora "Lola Kap" S. Borja-de Leon sa long-running ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.  

Read: Susan Roces, Vilma Santos, Nora Aunor, and Gloria Romero react to inclusion in PHLPost commemorative stamps

Ipinalabas ang kauna-unahang pelikula nito na Mga Bituin ng Kinabukasan noong taong 1952 samantalang Mano Po 2: My Home na inilabas noong 2003 ang huling pelikulang ginawa nito.  

Ipinanganak bilang Jesusa Purificacion Sonora noong ika-28 ng Hulyo 1941 si Susan na kilala din bilang Queen of Philippine Movies.  

Ikinasal ito sa action star na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang Fernando “Da King” Poe Jr. Nabalo naman ito matapos pumanaw si Fernando Poe Jr. noong taong 2004.  

Read:Susan Roces urges fans to remember FPJ positively: ‘Let’s make him our source of inspiration’

Ang nag-iisang anak nila ni Fernando Poe ay ang senador na si Grace Poe samantalang ang kapatid naman nito ang dating aktres na si Rosemarie Sonora.