• Home
  • Fresh Scoops
  • Proud momma si Winwyn Marquez na isinilang kanyang unang anak.

Winwyn Marquez, isinilang na ang kanyang unang anak

Proud momma si Winwyn Marquez na isinilang kanyang unang anak.

Winwyn Marquez, isinilang na ang kanyang unang anak-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/02/2022 08:37 AM
Winwyn Marquez, isinilang na ang kanyang unang anak
Photo credit to @teresitassen Instagram

Isa ng ganap na ina ang beauty queen at aktres na si Winwyn Marquez. 

Proud na ibinahagi ni Winwyn ang pagsilang niya sa kanyang unang anak na si Luna Teresita Rayn.


Binati si Winwyn ng kanyang mga kaibigan sa industriya gaya nina MJ Lastimosa, Carla Abellana, Alyssa Muhlach, Enzo Pineda, Rocco Nacino, at Ruby Rodriguez. 

READ: Winwyn Marquez reveals she is pregnant: ‘We’re over the moon!’

Unang isinapubliko ni Winwyn ang kanyang pagbubuntis Disyembre noong nakaraang taon. 

Sinalubong naman ni Winwyn ang bagong taon nang todo ang kanyang saya matapos nitong malaman na babae ang kanyang magiging anak. 

Nalaman ito ni Winwyn sa isang gender reveal party kung saan kasama ang kanyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno. 

Naging usap-usapan naman ang maternity shoot ni Winwyn noong nakaraang buwan kung saan ibinida niya ang kanyang baby bump. 

Samantala, pinapanatili namang pribado ni Winwyn ang kanyang relasyon sa kanyang non-showbiz boyfriend. 

READ: Winwyn Marquez flaunts baby bump 9 months into pregnancy

Bagama’t nakasama niya ito sa kanyang maternity shoot, tanging ang kamay at bahagi ng mukha nito ang kita.