• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala ang former Miss Grand Philippines na malakas ang laban ng current batch ng Binibining Pilipinas candidates.

Samantha Bernardo, bet nga ba si Herlene Budol as next Miss Grand International PH?

Naniniwala ang former Miss Grand Philippines na malakas ang laban ng current batch ng Binibining Pilipinas candidates.

Samantha Bernardo, bet nga ba si Herlene Budol as next Miss Grand International PH?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/19/2022 06:54 PM
Samantha Bernardo, bet nga ba si Herlene Budol as next Miss Grand International PH?
Photo credits: @samanthabernardo__ and @herlene_budol on Instagram

Very vocal at walang pag-aalinlangan ang aspiring beauty queen na si Herlene Budol sa kaniyang target crown sa Binibining Pilipinas.

Isa si Herlene na mas kilala bilang si “Hipon Girl” sa mga kandidata ng Binibining Pilipinas pageant na gaganapin ang coronation night this coming July.

READ: Hipon Girl Herlene Budol at ex PBB housemate Diana Mackey, pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas 2022


Sa naging panayam noon ng PUSH kay Herlene, natanong sa kanya kung ano ang target title niya sa prestigious pageant.

“MGI (Miss Grand International) po sana,” sambit ni Harlene sa panayam. “Kasi sabi po ng mga fans ko na nagko-comment po, bagay raw po ako doon. Kung tatanungin naman kung ano ang nasa puso ko, MGI pa rin po kasi don rin po ang parang goal ko rin kaya sabi po nila na kitain ko raw po si Sir Nawat [Itsaragrisil -MGI Owner] po,” aniya.

Aminado rin si Herlene na baguhan man siya sa larangan ng pageant, ready siya sa lahat ng challenges na kaniyang haharapin bilang isang kandidata.

“Ano po kasi lahat po talaga tinropa ko kasi ang gaganda po nila. Kaya parang bibihira po talaga ako makakita ng ganung mukha kaya tuwang tuwa po ako. ‘Tas may mga ka-ugali rin po ako kaya and yung ibang ugali naman po na-aadapt ko naman po kaya isa po ‘yun sa mga training ko kung ano ang ma-adapt ko sa kanila, try ko pong apply sa akin.”

Bilang minsang naging pambato naman ng Pilipinas sa Miss Grand International noong 2021, naniniwala naman si Samantha Bernardo na malaki ang potential ng Pilipinas ngayon sa iba’t ibang pageant.

Aniya, malalakas ang 2022 batch ng Binibining Pilipinas candidates.

“Nakita ko na po silang lahat. Sobrang ang gaganda, sobrang calibre. Pang international na talaga ang mga candidates and I am so happy to be part of them again,” sambit ni Sam sa exclusive interview ng PUSH sa former Miss Grand Philippines.

Naging tanong rin kay Sam kung ano ang masasabi niya na maraming pageant fans na bet si Herlene bilang susunod na Miss Grand International Philippines.

“As a former Miss Grand Philippines, I know na whoever wins, kung si Herlene man ‘yun or kung ibang candidates man, talagang lahat talaga ibibigay nila ang best nila. And I am very much there and I am willing kahit i-train pa sila or kung ano man ang natutunan namin with the organization together with the other Samantha (Panlilio).

Of course, as a Miss Grand International Philippines, we will support our candidate to get our first crown for the Philippines hopefully. Malay natin this year na or next year. Who knows? Sana kung siya talaga or ibang kandidata, let the destiny decide for itself,” tugon ni Sam.

At nang tanungin sa posibleng chance ng Pilipinas this year sa Miss Grand International, ito naman ang naging sagot ni Sam.

“Actually, parang lahat naman talaga can be Miss Grand International as long as talagang magugustuhan sila ng Organization and I am not in the position kasi to say na hindi magugustuhan si ganito o magugustuhan si ganyan,” pahayag ni Sam.

Para kay Herlene, isa lang ang dahilan ng kaniyang pag sali sa Binibining Pilipinas.

“Para po marami po akong ma-impluwensiyahan at maging role model po sa ibang tao. Gaya po sa mga followers ko na naka-suporta po sa akin dahil hangga’t buhay, may pag-asa. Hindi porke’t galing ka sa ilalim hindi kana makakabangon.”

Sa ngayon, patuloy ang iba’t ibang pageant activities ng 40 candidates ng Binibining Pilipinas na maglalaban-laban para sa mga titulo sa Binibining Pilipinas Globe, Binibining Pilipinas Pilipinas Intercontinental, Binibining Pilipinas Grand International, at Binibining Pilipinas International.x