• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Arjo Atayde sa mga pinalad na makasungkit ng puwesto sa naganap na lokal na eleksyon.

Arjo Atayde, goodbye na nga ba sa showbiz?

Isa si Arjo Atayde sa mga pinalad na makasungkit ng puwesto sa naganap na lokal na eleksyon.

Arjo Atayde, goodbye na nga ba sa showbiz?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/19/2022 07:19 PM
Arjo Atayde, goodbye na nga ba sa showbiz?
Photo credits: @arjoatayde on Instagram

Isa ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde sa mga pinalad na makasungkit ng puwesto sa naganap na 2022 Local and National Elections.

Si Arjo ay tumakbo at nanalo bilang first district representative ng Quezon City. 

READ: Showbiz personalities na pinalad sa 2022 local and national elections


Kaya naman bilang isang ganap ng politician, isa sa naging tanong ng karamihan ngayon ay kung tuluyan na nga ba niyang tatalikuran ang mundo ng show business.

“Actually, kakatapos ko lang rin po mag shoot for Cattleya Killer right before the campaign, but I won’t be stopping showbiz,” agarang tugon ni Arjo sa naging panayam ng PUSH. 

Para kay Arjo, nasa puso niya ang trabaho bilang isang actor. Tuloy tuloy pa rin siya sa pag-explore ng showbiz projects pero kailangan rin niyang tugunan ang trabaho bilang public servant.

“Iyan ang aking hanapbuhay. So, I can’t stop that. Of course, I have to prioritize specially this one (public service) but of course hindi na mawawala sa akin ang pag-aartista.

“Kasi that’s one thing [that] I love to do the most and at the same time, make a living. Andon ang hanapbuhay ko,” sambit ni Arjo.

Kapansin-pansin rin sa mga uploaded and tagged photos ni Arjo ang tila malaking pagkabawas ng kaniyang timbang na ayon sa kanya ay parte rin ng kaniyang tatapusin na project sa Kapamilya network.

 

“To  be honest sa campaign sa sobrang daming schedule, parang intermittent fasting. [Unconsciously] nagkakaroon kami ng late lunch, late dinner. Kailangan rin ako magpa-payat for ‘Cattleya’ so sakto sinadya ko na rin talaga siya for the role para mag-iba ang itsura ko. Kasi for me it’s required for the role also,” paliwanag ni Arjo. 

Sa kaniyang naging laban sa eleksyon, pinasalamatan ni Arjo ang mga taong unang naniwala sa kaniya kabilang na dito ang kaniyang pamilya at ang girlfriend na si Maine Mendoza.

“Overwhelming po, my family, Maine, whole of my friends are all my backbone. I am just very happy that they’re always there and very supportive so what could I ask for more,” pahayag ng aktor.