• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang awitin rin ang binubuo ni Jonathan Manalo para kasunod ng pagkakawatak-watak ng damdamin ng mga Pilipino matapos ang eleksyon.

Jonathan Manalo, nag-reak sa iligal na pag-gamit ng kanyang komposisyon sa naganap na eleksyon

Isang awitin rin ang binubuo ni Jonathan Manalo para kasunod ng pagkakawatak-watak ng damdamin ng mga Pilipino matapos ang eleksyon.

Jonathan Manalo, nag-reak sa iligal na pag-gamit ng kanyang komposisyon sa naganap na eleksyon-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/18/2022 04:42 PM
Jonathan Manalo, nag-reak sa iligal na pag-gamit ng kanyang komposisyon sa naganap na eleksyon
Photo credit to @jonathanmanalo Instagram

Aminado ang songwriter na si Jonathan Manalo na ipagsasawalang bahala na lang niya ang tila naging iligal na pag-gamit ng ilang kandidato sa kaniyang mga nilikhang awitin.

Kasunod ito ng nagtapos na 2022 National and Local election nitong Mayo kung saan nakarating aniya sa kaniya na ilan sa kaniyang mga awitin ang ginamit bilang jingle ng mga politicians sa kani-kanilang kampanya sa local municipalities.

“Oo marami, actually ako marami akong songs na ginamit illegally,” sambit ng songwriter sa naging panayam ng PUSH at ilang miyembro ng entertainment press.


Ayon kay Jonathan, ilan sa mga awiting ito ay ang “Kadenang Ginto” at ang “Pinoy Ako” na kapwa nagamit sa local campaign.

“Pero sa totoo lang, ang hirap mag habol e parang sisingilin mo sila ng isa-isa tapos, idemanda mo pa tapos pagkatapos pa ‘yun ng kampanya. Kumbaga sasabihin mo na lang is pwede mo silang i-call out. Pero ako kasi ayoko na gumawa pa ng fuss sa social media kasi ending ikaw pa ang masama,” sambit pa ni Jonathan.

Bilang isang manunulat, aminado si Jonathan na malaki ang laban niya kung nanaisin niyang habulin ang mga ito.

“Pero sa totoo lang ang pag-gamit ng songs illegally na hindi ka nag obtain ng rights, masama siya. Pero minsan talaga pag ikaw pa nag call-out, ikaw pa ang mapapasama tapos pag dinemanda mo, wala naman mangyayari.”

Kung iligal man na nagamit sa kampanya ang kaniyang mga awitin, gumawa ba siya ng awitin para sa mga kilalang politician?

“Ako buti na lang, wala rin naman akong natanggap na offer. Baka kasi masyado akong vocal rin pagdating sa aking political stand kaya kumbaga makikita rin naman without asking kung sino. So mabuti rin na hindi na ako na-offeran na mag reject,” agad na tugon ng songwriter.

Patuloy niya: “Importante rin kasi sakin ‘yung pag-gamit ng kanta. Specially ang dami ko rin songs na tungkol sa makabayan, inspirational song kasi ang dami e, tulad ng unang unang song na ginawa ko, ‘yung ‘Taratena’ is about the movement of the youth, it’s about pagbabago sa bayan , so ‘yung mga nationalistic song, tungkol sa pakikibaka, sobrang malapit sa akin ‘yun marami akong kanta na ganyan.”

Naninidigan man sa kaniyang paniniwala at hayagang pagsuporta sa isang politiko, thankful rin si Jonathan na hindi nabahiran ng usaping politikal ang kaniyang trabaho bilang isang songwriter.

“Ako naman kasi I made my alignments sa social media na medyo doon rin ako. So thankful ako na hindi na ako darating sa point na kailangan ko pa talaga mag reject,” aniya pa.

Sa pagtatapos naman ng eleksyon, isang inspirasyon rin ang nabuo ni Jonathan para sa kaniyang susunod na awitin.

Aniya isang awitin ang on the works na sumasalamin sa mga sugat at naging epekto ng nagdaang eleksyon na gagamot sa puso ng bawat Pilipino.

“Mayroon po talaga akong ginagawa ng kanta na sana, matapos ko it’s about healing. Kumbaga after this election kasi bilang isang bansa kailangan na ma figure out natin kung paano tayo mag work together despite the differences na hindi mawawala kasi kailangan may pagtuturo-turo, kailangan may pag-uusap na nagaganap for the greater good of our country.

“So yun ang iniisip ko na ano kaya ang pwedeng gawing song about healing and at the same time, hindi naman turning blind sa issues na hinarap natin na perfect balance na kahit magkakaiba, magkakaintindihan tayo through music.”

Pero bago ito, isang special music album naman ang iilalabas ni Jonathan under ABS-CBN Music kung saan mapapakinggan ang mga bagong version ng awitin niya.

“‘Yung mga songs ko is irire-imagine. Kakantahin ng iba’t ibang artist ang mga songs ko na naka-trabaho ko na and maraming beses ko na naka-trabaho. But this time gagawa sila ng re-imagination or iko-cover nila in their own different way ang mga songs na nasulat ko na.”

Patikim ni Jonathan, ilan sa mga singers ay sina Moira Dela Torre, Angeline Quinto, and Gigi De Lana na aawit sa kaniyang mga komposisyon.