• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Heart Evangelista na naka-date niya lahat ng kanyang naka-one-night stand.

Heart Evangelista, inaming nagkaroon ng ‘one-night stand’ noon

Sinabi ni Heart Evangelista na naka-date niya lahat ng kanyang naka-one-night stand.

Heart Evangelista, inaming nagkaroon ng ‘one-night stand’ noon-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/18/2022 05:28 PM
Heart Evangelista, inaming nagkaroon ng ‘one-night stand’ noon
Photo credits: @iamhearte on Instagram

Ibinahagi ni Heart Evangelista ang karanasan niya sa one-night stand noong dalaga pa siya. 

Sa pambihirang pagkakataon, naging bukas si Heart sa usapin na may patungkol sa kanyang sex life. Kabilang dito ang one-night stand sa mga lalaki. 


Ang one-night stand ay isang “sexual encounter” na isang beses lang nagaganap. 

Ngunit ayon kay Heart, ang mga naka-one-night stand niya ay naka-date niya rin sa kalaunan. 

Ito ang naging rebelasyon ni Heart sa kanyang vlog na inilabas niya nitong Lunes, ika-16 ng Mayo. 

READ: Chiz Escudero will not interfere with wife Heart Evangelista’s career, unless...

Idinetalye ni Heart ang tungkol dito sa kanyang staff habang nagbabakasyon siya sa Balesin kung saan naglaro sila ng “Never Have I Ever.” 

Sa nasabing laro, kailangang uminom ang mga kasama sa laro kung naranasan niya na ang bagay na babanggitin. 

“I guess that was considered a one-night stand,” pagbabahagi ni Heart. 

“Naging kami eventually. Lahat ng naka-one-night stand ko, naging kami,” sey pa ng model at aktres. 

LOOK: Heart Evangelista took almost 2 years to complete this painting

Kasalukuyang kasal si Heart sa kanyang asawa na si Sorsogon governor at senator-elect Chiz Escudero.