• Home
  • Fresh Scoops
  • Napuno ng intriga ang litrato nina Xian Lim at Barbie Imperial na magkasama sa isang hotel.

Xian Lim at Barbie Imperial, spotted sa isang hotel; may shinu-shoot na proyekto?

Napuno ng intriga ang litrato nina Xian Lim at Barbie Imperial na magkasama sa isang hotel.

Xian Lim at Barbie Imperial, spotted sa isang hotel; may shinu-shoot na proyekto?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/17/2022 05:55 PM
Xian Lim at Barbie Imperial, spotted sa isang hotel; may shinu-shoot na proyekto?
Photo credits: Hotel Rosario Mati on Facebook

Spotted sa isang hotel sa siyudad ng Mati sa Davao Oriental ang mga celebrity na sina Barbie Imperial at Xian Lim. 

Nag-viral kamakailan ang isang litrato na kuha sa Hotel Rosario Mati kung saan makikitang magkasama sina Xian at Barbie. 


Bagama’t walang detalyeng ibinigay tungkol sa nasabing litrato, samu’t-sari ang spekulasyon ng mga netizens tungkol sa dahilan kung bakit namataan ang dalawa sa nasabing lugar. 

May iilang gumawa ng intriga na maaaring may namamagitan sa dalawa gaya ng haka-haka ni Xian Gaza na nagawa pang i-tag ang girlfriend ng aktor na si Kim Chiu. 

Ngunit duda ng iilan, maaaring may ginawang proyekto lamang ang dalawa at dito sila namalagi habang shinu-shoot ang ilang eksena para sa nasabing proyekto. 

READ: Barbie Imperial, ipinaliwanag ang sugat sa kamay ni Diego Loyzaga

Ngunit ayon naman sa isang netizen, may isang source umano siya na nagsabing umattend ang dalawa sa isang rally pero magkaiba umano sila ng kwarto na tinulugan doon.  

Sa kasalukuyan, mayroon nang higit 107,000 reactions, 11,000 comments at 39,000 shares ang nasabing litrato. 

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag sina Xian at Barbie sa ngayon.