• Home
  • Fresh Scoops
  • Hiling ni Angelina Cruz na gumawa ng kanyang sariling pangalan sa industriya at hindi lamang makilala bilang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Angelina Cruz, nais gumawa ng sariling pangalan sa industriya

Hiling ni Angelina Cruz na gumawa ng kanyang sariling pangalan sa industriya at hindi lamang makilala bilang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Angelina Cruz, nais gumawa ng sariling pangalan sa industriya-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/17/2022 06:08 PM
Angelina Cruz, nais gumawa ng sariling pangalan sa industriya
Photo credits: @angelinaisabele on Instagram

Ang gumawa ng sariling pangalan sa industriya at hindi lamang makilala bilang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Ito ang sagot ni Angelina Cruz nang tanungin kung paano siya nais makilala ng ibang tao sa bagong episode ng PUSH Bets Live na inilabas nitong Biyernes, Mayo 13. 

"For me po, I want to be known as a person who is authentic," ani ng singer at aktres. "Not purely just known as 'anak ni...' I also want to carve a name for myself as well."


Matatandaan na taong 2017 nang pasukin ni Angelina ang industriya upang ipamalas ang kanyang talento sa pag-awit. Noong 2020, pinasok na rin ng singer ang pag-arte nang bumida siya sa TV5 sitcom na John En Ellen.

Samantala, nag-guest si Angelina sa PUSH Bets Live kasama ang kapwa mang-aawit na si Timmy Albert para i-promote ang bago nilang awitin na "roses & sunflowers (together)" na inilabas noong Marso.

"This is a new version of a song that I released with Universal Records in 2019. So it's almost the same song, but not quite. May mga bagong flavors and of course, I had the pleasure of having Angelina on the song. It's a duet, and it's a song about love, about distance, and about being genuine. ... It tries to talk about true love, real love, which is in-person love, really knowing the person for who they are... Everything about that," paliwanag ni Timmy.

Ayon naman kay Angelina, naging magaan ang kanyang karanasan na makatrabaho si Timmy sa nasabing awitin.

"The experience working with Timmy and recording 'yung song, sobrang gaan siya to work with. He was able to help me and guide me all the way. Of course, it's such an honor na maka-duet si Timmy in this song because grabe, marami siyang streams. He has a lot of streams so to be able to be with him, to work with him on a duet, on a newer version was really a great experience for me," aniya.

Pagbabahagi rin ni Timmy, hindi naging mahirap ang proseso ng pagbuo niya ng "roses & sunflowers" dahil inspired ito ng kanyang sariling istorya. 

"For me, it was a song that had like a really genuine story from my life. And then, I wrote it in a way na sobrang bilis kong nasulat. Feeling ko, honestly, mga 30 minutes natapos ko na 'yung song years ago. And I think that's what makes it [different from the other songs I've written]. Kasi it very rare for me as someone who writes na I got it right away, 'yung feeling na ito na 'yung song. Parang flow state talaga 'yung idea," aniya. 

Mapapakinggan ang "roses & sunflowers (together)" sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at iba pang sikat na digital streaming platforms.

Panoorin ang buong episode dito:

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.