• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinumpira ng aktres at host na Kris Aquino nitong Lunes na life threatening o kritikal na ang kanyang sakit.

Kris Aquino, kinumpirmang ‘life threatening’ na ang kanyang sakit

Kinumpira ng aktres at host na Kris Aquino nitong Lunes na life threatening o kritikal na ang kanyang sakit.

Kris Aquino, kinumpirmang ‘life threatening’ na ang kanyang sakit-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/16/2022 11:14 AM
Kris Aquino, kinumpirmang ‘life threatening’ na ang kanyang sakit
Photo credit: @krisaquino Instagram

Muling itinanggi ni Kris Aquino ang bali-balitang na-confine siya sa intensive care unit ng isang ospital at kasalukuyang nag-aagaw buhay dahil sa kanyang kundisyon. 

Gayunpaman, inamin ng aktres at host na "life threatening" o kritikal na ang kanyang sakit sa kanyang post sa Instagram nitong Lunes, Mayo 16. 

"'Yung chismis na na-confine ako, na nasa ICU, na nag-aagaw buhay, masyado kayong advance. Para klaro ang lahat and dahil gusto niyong patayin na ako – well, I am not yet dead. I am going to fight to stay alive,” aniya sa kanyang post. 


Ayon kay Kris, mula pa noong Abril ay tatlo na ang kumpirmadong autoimmune condition niya – chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, and Churg-Strauss Syndrome.

"Definitively confirmed after my 3rd skin biopsy was read by a pathologist here & in the US - meron po akong vasculitis, to be very specific - late stage 3 of Churg Strauss Syndrome now also known as EGPA," aniya.

"My team of doctors here & abroad ... they are all worried about organ damage in my heart & in my lungs. Kaya lahat ng paraan sinubukan for me to get to Houston soonest," patuloy pa niya. "'Yung gamot that God willing can help save me doesn’t have FDA approval here or in Singapore & isasabay na po mag-infuse ng chemotherapy as my immunosuppressant. Why? Allergic po ako sa lahat ng steroids."

Ayon sa aktres, nakatakda siyang umalis ng Pilipinas itong darating na Huwebes, Mayo 19, upang ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling sa Amerika.

"I’ve always been proud of my honesty & courage. Ginusto ko na makalipad sana nang tahimik pero utang ko po sa mga nagdarasal na gumanda ang aking kalusugan ang mag-THANK YOU & to tell the TRUTH," ani Kris.

READ: Here’s why Kris Aquino’s flight abroad didn’t push through

Sa kanyang post ay nakiusap din si Kris — na nakababatang kapatid ng dating presidente na si Benigno Aquino III — sa netizens na kung mayroon silang balak na mang-bash ay huwag na sanang idamay pa ang kanyang mga inosenteng anak. 

"Not for my sake, pero for my 2 sons, 1 in the autism spectrum & 1 only 15 - kung balak nyo pong mambastos or mag comment ng masakit o masama, sa mga sarili nyo na lang pong IG, FB, or chat group sana gawin," aniya

"Hindi nyo po ako kailangan gustuhin para magpakatao… please don’t punish kuya & Bimb for being my sons. Hindi po masama ang maglakas ng loob at magsabi ng sobrang bigat na katotohanan," dagdag pa niya.

Dati nang sinabi ni Kris na ang kanyang mga anak na sina Josh at Bimby ang pinaghuhugutan niya ng lakas para labanan ang kanyang matinding sakit. Ayon sa aktres, bagamat hindi maganda ang lagay ng kanyang kalusugan ngayon, para sa kanyang dalawang pinakamamahal ay hindi siya susuko at patuloy siyang lalaban.