• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasilip ni KaladKaren ang kanyang bagong dream condo sa pinakabagong vlog ni Karen Davila.

PANOORIN: KaladKaren, naging emosyonal sa pag-tour ng ‘dream condo’

Ipinasilip ni KaladKaren ang kanyang bagong dream condo sa pinakabagong vlog ni Karen Davila.

PANOORIN: KaladKaren, naging emosyonal sa pag-tour ng ‘dream condo’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/16/2022 05:19 PM
PANOORIN: KaladKaren, naging emosyonal sa pag-tour ng ‘dream condo’
Photo from Karen Davila's YouTube Video

Ipinasilip ni Jervis Li o mas kilala bilang KaladKaren ang dream condo na naipatayo niya dahil sa kanyang pagsusumikap. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KaladKaren (@kaladkaren)

Sa vlog na inilabas ni Karen Davila, nagpa-tour ang komedyante at kilalang impersonator ng broadcast journalist sa condo nito.


Ani Karen, masaya siya para kay KaladKaren na malayo umano ang sitwasyon ng buhay nito limang taon ang nakalilipas.

LOOK: Karen Davila meets her impersonator Kaladkaren Davila

Binalikan naman ni KaladKaren ang buhay niya noon kung saan nakikitira lamang umano sila sa kanilang lola habang nagtatrabaho ang kanyang mga magulang sa ibang bansa.

“Simula nung bata kami, nakikitira lang kami sa lola namin. We didn’t have our own house. Both my parents were OFW so kami, pinaalaga kami sa lolo’t-lola ko while they were abroad,” ani KaladKaren. 

“So, never kaming nagkaroon ng sariling bahay until nu’ng high school ako. So, lumipat kami sa Bulacan. My parents lived there,” dagdag pa niya. 

Kaya naman pinangako niya sa kanyang sarili na mag-iipon siya ng pera para makabili ng sarili niyang bahay — bagay na natupad na niya ngayon. 

“Tapos sabi ko sa sarili ko, once na makapagtrabaho ako, kung makapag-ipon ako ng pera, bibili ako ng sarili kong bahay,” ani KaladKaren. 

TRENDING: KaladKaren Davila’s hilarious impersonation

Ani pa ni KaladKaren, si Karla Estrada umano ang bumili ng kanyang sofa at TV screen sa kanyang condo.

Hindi naman napigilan ni KaladKaren maging emosyonal habang ginagawa ang tour.