• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito na ang ika-apat na beses na magpapakasal si Marc Anthony.

Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira, ikakasal na kay Marc Anthony

Ito na ang ika-apat na beses na magpapakasal si Marc Anthony.

Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira, ikakasal na kay Marc Anthony-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/14/2022 03:53 PM
Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira, ikakasal na kay Marc Anthony
Photo credit: @nadiatferreira Instagram

Next level na ang relationship ng model-turned-beauty queen na si Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira at Latin music icon and singer na si Marc Anthony.

Matatandaan na kamakailan lang, inamin ni Marc Anthony at ni Nadia ang kanilang relasyon na naging matunog matapos ang ilang sightings sa dalawa sa magkakaibang events.


RELATED NEWS: Ex ni Dayanara Torres at Jennifer Lopez na si Marc Anthony, inspirasyon ngayon si Miss Universe Paraguay 2021

At sa pamamagitan rin ng isang simpleng social media post, ibinunyag ni Nadia na siya ay engaged na sa singer.

“Engagement party,” sambit ng model-beauty queen sa caption ng Instagram story kung saan naka mention ang Latin singer.

Sa nasabing post, makikita rin ang diamond ring na ibinigay ni Marc Anthony sa model-beauty queen.

Si Marc Anthony ang former husband ni Miss Universe 1993 Dayanara Torres simula 2000 hanggang 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak.

Seven years naman ang naging pagsasama nina Marc Anthony at Grammy award-winning singer-performer na si Jennifer Lopez kung saan nagkaroon ito ng dalawang anak.

After ng naging divorce kay Jennifer Lopez, muling ikinasal si Marc Anthony sa Venezuelan model na si Shannon Lima bago naghiwalay after three years of marriage.

Meanwhile, nagbalik runway model naman si Nadia Ferreira matapos ang kaniyang naging laban sa Miss Universe noong 2021 sa Eilat, Israel kung saan kinoronahan si Harnaaz Sandhu ng India.

As of this writing, wala pang exact date kung kailan gaganapin ang kasal nina Nadia at Marc Anthony.