• Home
  • Fresh Scoops
  • May sagot din si Skusta Clee tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon.

Skusta Clee, nagsalita na: ‘Ako ‘yung tipo na hindi nagsastay sa isang lugar’

May sagot din si Skusta Clee tungkol sa estado ng kanyang puso ngayon.

Skusta Clee, nagsalita na: ‘Ako ‘yung tipo na hindi nagsastay sa isang lugar’ -Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/13/2022 06:51 PM
Skusta Clee, nagsalita na: ‘Ako ‘yung tipo na hindi nagsastay sa isang lugar’
Photo credit: @extraordinaryl Instagram

Kumakalat ngayon sa social media ang isang video mula sa panayam ng entertainment press sa singer-rapper na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee. 

Nilabas ngayong araw, ika-13 ng Mayo, ang kanta ni Skusta Clee kasama si Gloc-9 na “Kumpisal.”


Sa nasabing panayam, may mga naitanong kay Skusta Clee tungkol sa kanyang relasyon kabilang na ang ilan na may patungkol sa mga hindi umano pagkakaintindihan at kung ano ang estado ng kanyang puso ngayon. 

BASAHIN: Zeinab Harake, hiwalay na kay Skusta Clee; naapektuhan ang pagbubuntis sa umano’y pambabae

Ito naman ang kauna-unahang beses na lumabas si Skusta Clee sa publiko matapos ang lumabas na kontrobersiya kamakailan. 

Ayon kay Skusta Clee, mahalaga na may pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang tao sa isang relasyon. 

“Hindi ka naging totoo sa sarili mo. Hindi mo muna inaral ang sarili mo. Hindi niyo inaral ang isa’t-isa. Ganu’n. Kasi du’n nagsisimula ang lahat eh. Lalo na kapag hindi kayo nagkakaintindihan. Hindi lang sa isang tao ‘yun. Dapat kasi kapag ka-partner, feeling ko ganu’n eh,” aniya. 

“Kahit anong problem, dapat magkakaintindihan kayo. Kung ano ‘yung kasalanan pagdating sa relasyon, siguro ‘yung kulang ka sa pag-intindi sa partner mo. Kasi dun magsisimula lahat ‘yun, wala nang kahit na anong explanation,” dagdag pa niya. 

Taliwas sa iniisip ng maraming tao ngayon kasunod nang mga rebelasyon ng dati nitong partner na si Zeinab Harake, wala umano siyang dala-dala ngayon. 

READ: Skusta Clee, maglalabas ng kanta tungkol sa hiwalayan nila ni Zeinab Harake?

“Wala naman akong sobrang dala-dala ngayon. Natutunan kong aralin ang sarili ko — kung ano ‘yung mga bagay na gusto ko, kung ano ‘yung mga bagay na ayaw ko, kung ano ‘yung mga bagay na takot ako, ano ‘yung mga bagay na hindi ako takot, ano ‘yung pangarap ko, ano ba talaga ‘yung gusto ko para sa sarili ko, sino ba talaga ‘yung tunay sa akin. ‘Yun ang napansin ko silang lahat,” ani Skusta Clee.  

Pag-amin pa ni Skusta Clee, marami umano siyang realisasyon ngayon. 

“Marami akong realizations. Ngayon, mas natutunan kong mahalin ‘yung sarili ko. Kailangan mo talagang mahalin muna ‘yung sarili mo kasi hindi ka matututo magmahal nang iba kung hindi mo mamahalin ‘yung sarili mo,” aniya.  

“Malo-lost ka kung puro ka bigay,” hirit naman ni Skusta Clee. 

WATCH: Gloc-9, Skusta Clee, ikinuwento kung paano nabuo ang kantang ‘Kumpisal’ | Push TV

Kung may hiling naman umano siya, ito ang kapayapaan at kaligayahan ng lahat. 

“Ang wish ko lang, maging okay lahat — maging okay ang isip, hindi lang sa akin kundi sa lahat ng tao. Lahat tayo may pinagdadaanag problema, lahat tayo may kaso. Ang hangad ko, kaligayahan ng lahat, kapayapaan ng lahat. 

Nang tanungin tungkol sa estado ng kanyang puso sa ngayon, ang sagot ni Skusta: “Okay naman. Kailangan mo siyang ingatan. Ako kasi, ako ‘yung tipo ng tao na hindi na ako nag-sastay sa isang lugar. Nag-momove forward ako. Kasi kung mag-sastay ako sa isang lugar, lulugmokin ko lang sarili ko.” 

Gayunpaman, walang diretsang sinabi si Skusta Clee tungkol sa relasyon nila ni Zeinab.