• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinabi ni Chie Filomeno na wala umanong katotohanan ang mga isyung patuloy na ipinupukpok sa kanya.

Chie Filomeno, may patutsada sa nagpapakalat ng isyu tungkol sa kanya: ‘Bardagulan gusto niyo eh’

Sinabi ni Chie Filomeno na wala umanong katotohanan ang mga isyung patuloy na ipinupukpok sa kanya.

Chie Filomeno, may patutsada sa nagpapakalat ng isyu tungkol sa kanya: ‘Bardagulan gusto niyo eh’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/13/2022 06:56 PM
Chie Filomeno, may patutsada sa nagpapakalat ng isyu tungkol sa kanya: ‘Bardagulan gusto niyo eh’
Photo credit: @chiefilomeno Instagram

May mga intrigang kumakalat ngayon sa social media patungkol kay Chie Filomeno at Zeus Collins. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by C H I E (@chiefilomeno)

Bagama’t walang diretsang sinabi tungkol sa nasabing isyu, nagpost ang isang netizen na nagngangalang Megan San Miguel ng mga litrato nina Zeus at Chie na magkatabi at may caption na “only legends understand.” 


Ang post na ito ay makikita sa isang Facebook group na may pangalang “random pics from pinterest.” 

Sunod-sunod ang naging spekulasyon ng mga tao matapos mag-viral ang nasabing post kabilang na ang umano’y scandal nina Zeus at Chie. 

BASAHIN: Chie Filomeno on becoming a calendar girl: ‘This is a dream come true’

Kaya naman hindi nakapagpigil si Chie at pinabulaanan ang nasabing isyu sa isang post sa kanyang Facebook account.

Ayon kay Chie, dapat umanong siguraduhing totoo ang mga ipinapakalat sa social media bago magpakalat ng mga ganitong bagay sa social media. 

“Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinag popost niyo sa FB, kung mag uungkat kayo siguraduhin niyo totoo, wag paulit ulit at wag kayo mangdamay ng ibang tao. ISSUE YARN?” saad ni Chie sa caption ng kanyang post. 

Nagawa pang i-tag ni Chie ang netizen na nagpapakalat ng isyu tungkol sa kanya. 

Ani Chie, nagsasawa na siya sa isyung walang katotohanan na patuloy na pinupokpok sa kanya.

“Ano Megan San Miguel dali share mo yung video, siguraduhin mo lang hindi mo sasayangin ang oras nila ah? Lalo na oras ko. Dali send mo sa akin. Maninira ka pa ah. Bardagulan gusto niyo eh. Paulit ulit na issue ah nakakasawa na,” aniya. 

Nagkasabay sina Zeus at Chie noon sa noontime variety show na It’s Showtime bilang mga miyembro ng dance groups na Hashtags at GirlTrends. 

Parehas ding pumasok ang dalawa sa Bahay ni Kuya bilang mga housemates ng reality series na Pinoy Big Brother.