• Home
  • Fresh Scoops
  • May kantang ilalabas si Skusta Clee na paniwala ng ilang fans ay tungkol sa relasyon nila ni Zeinab Harake.

Skusta Clee, maglalabas ng kanta tungkol sa hiwalayan nila ni Zeinab Harake?

May kantang ilalabas si Skusta Clee na paniwala ng ilang fans ay tungkol sa relasyon nila ni Zeinab Harake.

Skusta Clee, maglalabas ng kanta tungkol sa hiwalayan nila ni Zeinab Harake?-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/12/2022 04:58 PM
Skusta Clee, maglalabas ng kanta tungkol sa hiwalayan nila ni Zeinab Harake?
Photo credit to @extraordinaryl and @zeinab_harake Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang bagong kantang ilalabas ni Skusta Clee. 

Ito ang unang kantang ilalabas ng rapper at singer-songwiter kasunod ng pasabog na rebelasyon ng dati nitong partner na si Zeinab Harake. 


Bagama’t walang idinetalye tungkol sa laman ng kanta, tila may patungkol ito sa nagawang pagkakamali sa isang relasyon base sa inilabas nitong teaser sa Facebook. 

READ: Zeinab Harake, hiwalay na kay Skusta Clee; naapektuhan ang pagbubuntis sa umano’y pambabae

“‘Di bibilangin ang pagkakamali. Patawarin mo akong muli,” saad ni Skusta sa caption ng kanyang post. 

Matatandang ibinunyag kamakailan ni Zeinab sa panayam niya kay Toni Gonzaga na isa sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan ay ang third party. 

Naging malaking hamon ang problemang ito hindi lang sa kanilang relasyon kundi pati na sa kanyang naging pagbubuntis na naging rason kung bakit siya nakunan.

READ: Zeinab Harake throws party for daughter Bia, gifts her with diamond necklace: ‘Kinaya ko ‘to mag-isa’

Taong 2020 nang magkabalikan sina Zeinab at Skusta Clee matapos ang kanilang paghihiwalay. Oktubre naman ng parehong taon nang i-anunsyo ni Zeinab ang kanyang pagbubuntis sa kanilang unang anak na si Bia.