TINGNAN: Sasakyan ni Madam Inutz, wasak sa isang aksidente

Naaksidente ang sasakyan ni Madam Inutz.

TINGNAN: Sasakyan ni Madam Inutz, wasak sa isang aksidente-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/11/2022 09:14 AM
TINGNAN: Sasakyan ni Madam Inutz, wasak sa isang aksidente
Photo credit to Madam inutz Facebook

Malungkot na ibinahagi ng social media sensation at dating Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 housemate na si Daisy Lopez o mas kilala sa tawag na Madam Inutz ang sinapit ng kanyang sasakyan sa isang aksidente. 

Sa isang Facebook post, ikinuwento ni Madam Inutz na nadurog ang kanyang sasakyan matapos itong mabangga sa lansangan.


Bagama’t wasak ang kanyang sasakyan, nilinaw ni Madam Inutz na walang nasaktan sa nangyaring insidente. 

“DUROG ANG SASAKYAN NI MADAM INUTZ NYO. ACCIDENTS ALWAYS HAPPEN TLGA. BUTI NALANG WALANG NASAKTAN. THANK YOU LORD SA PAG GABAY MO SA AMIN,” saad ni Madam Inutz sa caption ng kanyang post. 

READ: PANOORIN: Madam Inutz, niregaluhan ng house and lot ng manager bago pumasok sa ‘Pinoy Big Brother’

May mensahe naman si Madam Inutz sa mga taong nagmamaneho nang nakainom. 

“KAYA MGA INUTZ LAGI TAYONG MAG IINGAT SA LANSANGAN AT SA MGA DRIVER NA NAKA INOM. PLEASE LANG WAG NA PO KAYO MAG MANEHO KUNG UNDER INFLUENCE NG LIQUOR,” ani Madam Inutz. 

Nakilala si Madam Inutz sa kanyang live selling online. Napasama naman ito sa celebrity edition ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.