• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Zeinab Harake kung ano ang kanyang pinagdaanan.

Zeinab Harake, hiwalay na kay Skusta Clee; naapektuhan ang pagbubuntis sa umano’y pambabae

Ikinuwento ni Zeinab Harake kung ano ang kanyang pinagdaanan.

Zeinab Harake, hiwalay na kay Skusta Clee; naapektuhan ang pagbubuntis sa umano’y pambabae-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/10/2022 03:55 PM
Zeinab Harake, hiwalay na kay Skusta Clee; naapektuhan ang pagbubuntis sa umano’y pambabae
Photo credit to @extraordinaryl and @zeinab_harake Instagram

Marami ang naantig sa kwento ni Zeinab Harake nang i-kwento nito ang kanyang pinagdaanan sa gitna ng kanilang hiwalayan ng kanyang partner na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee. 

Sa panayam ni Zeinab kay Toni Gonzaga, matapang nitong inihayag ang tungkol sa paghihiwalay nila kasunod nang umano’y pambabae nito. 


Ani Zeinab, matagal na nilang kinakaharap ni Skusta Clee ang problemang ito na aniya’y minsan nang naging dahilan ng una nilang paghihiwalay. 

Bagama’t naresolba nila ito sa tulong ng kani-kanilang pamilya, muli na namang nakaranas ang dalawa ng problema nang mamababae si Skusta Clee noong Marso. 

Nahuli umano ni Zeinab si Skusta nang minsang maiwan sa bahay at magkaroon ng pagkakataon na mabuksan ang laptop nito.

“Parang may day na binigay sa akin si God na wag akong sumama sa kanya na may pupuntahan siya. Tapos ang nangyari, naiwan ako sa bahay. Dun ko nahuli, sa laptop,” ani Zeinab. 

“Pero hindi ‘yun ‘yung worst eh. Nagkapatawaran pa kami after nun kasi akala ko ayun lang. Hindi pala.”

Ngunit Enero pa lamang nitong taon nang unang malaman ni Zeinab na may kalokohan umanong ginawa si Skusta CLee. 

Nitong mga panahong ito, pinagbubuntis na niya ang pangalawa nilang anak/

READ: Zeinab Harake and Skusta Clee expecting a baby girl

Nagtangka pa umanong i-deny ito ni Skusta Clee ngunit inamin din niya ang tungkol dito makalipas lamang ang dalawang araw. 

Hindi naman umano niya nakayananan ang inamin sa kanya ni Skusta Clee at umabot pa umano sa punto na nandiri siya sa kanyang sarili. 

“Yung inamin niya sobrang brutal, sobrang gusto ko talagang … (humagulgol) pag naalala ko. Nandidiri ako sa sarili ko, sa baby ko. Naawa ako kay Bia (pangalan ng kanilang anak),” aniya. 

“Hindi ko alam saan ako lulugar. Hindi ako perpektong asawa pero hindi yun reason para ganunin ako para sa lahat ng ginawa ko para sa ‘yo,” dagdag pa niya. 

Pinatawad pa umano niya si Skusta Clee at binigyan ito ng pangalawang pagkakataon. 

“Okay kami. Like, okay, masayang-masaya kami. May mga away kami mula January pero yung away mag-asawa lang na akala ko pag nag kaaway kami, magkakabati kami, okay na, hindi pala,” aniya. 

READ: Zeinab Harake surprises Skusta Clee, celebrates release of MV dedicated to daughter in new vlog

Pagpapatuloy pa niya: “March, dun na talaga. Lagi niya na akong iniiwan. Talagang dumating sa point na nagmamakaawa ako sa kanya.”

Naapektuhan naman ang pagbubuntis ni Zeinab dahil sa mga pangyayari at aniya’y naging dahilan kung bakit siya nakunan.

Hulyo taong 2020 nang magkabalikan sina Zeinab at Skusta Clee. Oktubre naman ng parehong taon nang i-anunsyo ni Zeinab ang kanyang pagbubuntis sa kanilang unang anak na si Bia.