• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy ang serbisyo bayan ng iba’t ibang showbiz personality bilang public servants.

KILALANIN: Showbiz personalities na pinalad sa 2022 local and national elections

Tuloy ang serbisyo bayan ng iba’t ibang showbiz personality bilang public servants.

KILALANIN: Showbiz personalities na pinalad sa 2022 local and national elections-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

05/10/2022 07:15 PM
KILALANIN: Showbiz personalities na pinalad sa 2022 local and national elections

Ngayong 2022, ilang kilalang showbiz personalities ang sumubok ng kanilang suwerte sa national at local elections para maging susunod na boses ng bayan bilang mga public servants.

Mula sa partial and unofficial tally results ng Commission on Elections na makikita sa Halalan Results ng ABS-CBN News, pasok ang ilang kilalang personalidad na pinalad sa iba’t ibang puwesto.

Una na dito ang Bad Boy ng Philippine Cinema na si Robin Padilla na numero uno sa partial and unofficial count bilang senador na pasok sa magic 12.


Magkasunuran naman sa ikalawa at ikatlong puwesto ng magic 12 ang former TV host na si Loren Legarda at news anchor and TV personality na si Raffy Tulfo.

As of this writing, nasa 12th spot naman showbiz royalty na si Jinggoy Estrada na may 14,917,914 votes na may mahigit one milyon na lamang sa 13th spot na si former Makati mayor Jojo Binay.

From national election, ilang Kapamilya stars rin ang pinalad na makamit ang local positions. Una na dito si first district congressman Arjo Atayde na nakakuha ng 111,742 votes laban sa kaniyang mga katungali.

Pasok rin as Oriental Mindoro Vice Governor si Ejay Falcon na mayroong 226,275 votes.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)

Mula rin sa Mindoro nanatili naman bilang Mayor ng Pola, Oriental Mindoro ang former sexy actress na si Ina Alegre Cruz.

Patuloy naman ang tiwala ng mga taga Ormoc, Southern Leyte sa showbiz couple na sina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez.

Si Lucy ang bagong Mayor ng Ormoc City habang fourth district ng Leyte representative naman ang veteran actor na si Richard.

Pasok rin bilang Cavite City councilor ang Kapamilya actor na si Nash Aguas.

Gaya ni Nash, new venture rin as public servant ang tatahakin ng beauty queen na si 2019 Binibining Pilipinas Globe Leren Bautista na isa na rin Konsehal ng Los Baños, Laguna.

Third term councilor ng first district ng Makati City ang It’s Showtime host na si Jhong Hilario.

Public servant na rin as Mayor ng Victorias City Province of Negros Occidental ang Kapamilya star na si Javi Benitez na nakakuha ng 36,263 votes.

Mananatili rin ang showbiz royalty na si Vico Sotto bilang Mayor ng Pasig City kasama ang Philippine Basketball Association star na si Dodot Jaworaki as Vice Mayor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Vico Sotto (@vicosotto)

Numero uno rin sa puso ng Pasig ang actress and TV personality na si Angelu De Leon na number one konsehala. Si De Leon ay tumakbo sa ilalim ng ticket ni Vico Sotto.

From congress, wagi rin bilang Vice Mayor ng Maynila si Yul Servo kasama ang kaniyang tandem na si Honey Lacuna na wagi rin bilang bagong Mayor ng Maynila.

Samantala, hindi naman pinalad si Presidential aspirants na sina Manny Pacquiao at Isko Moreno na kapwa humiling ng pagkakaisa mula sa taong bayan para sa susunod na administrasyon.

Sa ngayon, tuloy ang bilangan ng COMELEC mula iba’t ibang voting precinct sa buong Pilipinas.