• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagkaroon ng ‘breast implant illness’ si Ellen Adarna dahil sa desisyon nitong magpalagay ng silicone shells sa kanyang dibdib.

Ellen Adarna, ipinatanggal ang kanyang breast implants; Derek Ramsay, may hirit

Nagkaroon ng ‘breast implant illness’ si Ellen Adarna dahil sa desisyon nitong magpalagay ng silicone shells sa kanyang dibdib.

Ellen Adarna, ipinatanggal ang kanyang breast implants; Derek Ramsay, may hirit-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

05/10/2022 03:39 PM
Ellen Adarna, ipinatanggal ang kanyang breast implants; Derek Ramsay, may hirit
Photo credit to @maria.elena.adarna Instagram

Pinatanggal na ng sexy actress at model na si Ellen Adarna ang kanyang breast implants matapos ang ilang taong nang ipinalagay niya mga ito. 

Taong 2014 nang unang aminin ni Ellen ang pagkakaroon nito ng “fake boobs.” 


Proud na ibinahagi ni Ellen ang tungkol sa kanyang naging desisyon sa isang Instagram post. 

Makikita sa kanyang ibinhaging litrato ang silicone shells na kanyang pinatanggal.

READ: Ellen Adarna on being called a sex symbol: ‘I’m very yagit. I’m not very sexy’

Ani Ellen, nakaramdam siya ng kung anu-ano sa katawan habang dala-dala niya ang mga ito. 

Ayon sa aktres, nagkaroon siya ng karamdaman na kung tawagin ay “breast implant illness”.

Ilan sa mga sintomas nito ang back pain, fatigue, at brainfog dulot nang pagpapalagay ng implants sa kanyang dibdib. 

READ: Ellen Adarna, bumuwelta sa isang basher na pinuna ang kanyang katawan

Ayon pa kay Ellen, nahirapan siyang huminga dahil dito. 

“Goodbye breast implant illness. I can now breathe properly. Goodbye chronic back pain, fatigue, and brain fog,” saad ni Ellen sa caption ng kanyang post. 

Dagdag pa niya: “It was fun while it lasted… The end.” 

Ellen Adarna, ipinatanggal ang kanyang breast implants; Derek Ramsay, may hirit

May pabirong namang hirit ang kanyang asawa na si Derek Ramsay sa isa nitong Instagram post.

Sey ni Direk: “I miss your old boobs.” 

Itinuturing na isa sa pinkaseksing aktres sa bansa si Ellen Adarna.