• Home
  • Fresh Scoops
  • Dawn Chang sa pagiging isang ina: ‘'Yun 'yung isa sa mga pinaghahandaan ko actually.’

Dawn Chang, nais maging isang ina

Dawn Chang sa pagiging isang ina: ‘'Yun 'yung isa sa mga pinaghahandaan ko actually.’

BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

05/10/2022 02:18 PM
Dawn Chang, nais maging isang ina

Kamakailan ay binigyang buhay ni Dawn Chang ang kwento ng viral online seller at dating Pinoy Big Brother: Kumunity housemate na si Daisy Lopez o Madam Inutz sa Maalaala Mo Kaya.

Sa bagong episode ng PUSH Bets Live na inilabas nitong Biyernes, Mayo 6, ibinahagi ng aktres ang mga bagay na sa tingin niya ay may pagkakahalintulad sila ni Madam Inutz.

"Marami," aniya. "Alam mo, si Madam Inutz is very different from Daisy Lopez. Si Madam Inutz kasi is parang her screen name eh. Kapag nagla-live selling siya, Madam Inutz siya. Pero behind the camera, she's Daisy Lopez. And mas marami akong nakitang similarities with Daisy Lopez than Madam Inutz.


"Si Daisy Lopez kasi sobrang palaban. 'Di ba palaban ako? Lalo 'pag alam kong nasa tama ako, pinaglalaban ko talaga. There's a fine line between 'choose your battles' and 'I'm right on this one.' Alam mo, may ganun ako. Sometimes, iwe-weigh mo talaga siya, what's better? Choosing to be right or your peace? So doon kami nagkakapareho ni Daisy."

Bukod sa kanyang pagiging palaban ay nabanggit din ni Dawn ang pagiging masipag at matiyaga sa buhay ni Madam Inutz.

"Napakasipag niya. Sobrang sipag niya. 'Yung obligasyon na meron siya ngayon, kahit na may mga kapatid siya, inaako niya talaga lahat. So I think that's also one thing na similar kami kasi ganon din ako. Dumating din ako sa point na ako din lahat. Hindi madali ah, talagang nakakaubos. Nakakaubos ng pasensya, ng pagkatao, ng lahat," aniya. 

Ayon sa aktres, ang pagiging matatag ni Daisy sa kabila ng iba't ibang hamon ng buhay ang bagay na lubos niyang hinahangaan sa live seller bilang isang anak at ina.

"Ang pinakahinahangaan ko kay Daisy, 'yung hindi siya napapagod. Parang iindahin lang niya saglit, tapos game na naman. Pero kasi alam mo, si Daisy kasi, ang ganda rin ng support system niya. 'Yung inspirasyon niya. 'Yung nanay niya, 'yung tatay niya, 'yung mga kapatid niya. Tsaka ganun 'di ba, kapag nae-experience natin 'yung hirap ng buhay, humahaba or lumalaki or tumataas 'yung tolerance natin sa pain. So ganun si Daisy. 'Yun 'yung hinahangaan ko. Ang haba ng pasensya niya, 'yung tolerance sa hirap, sa pain. Ay grabe, gusto ko rin 'yung ganun," aniya.

Ang nasabing MMK episode kung saan tampok ang kuwento ni Daisy o Madam Inutz ay para sa pagdiriwang ng Mother's Day o Araw ng mga Ina. 

READ: Dawn Chang takes on her first lead role

Samantala, sa usapin ng pagiging ina ay natanong din si Dawn kung may balak ba siyang magkaroon ng sarili niyang pamilya balang araw. 

"Oh yeah, definitely. 'Yun 'yung isa sa mga pinaghahandaan ko actually. 'Yun 'yung mina-manifest ko, inaaral ko, pinaghahandaan ko. You can never be ready to have a family. Walang 100% ready. Pero kung ano 'yung kaya kong paghandaan para hindi ako ma-surprise, walang ganun. Para hindi naman ako mahirapan sa mga bagay na kaya ko namang paghandaan. Yes, definitely," aniya.

Panoorin ang buong episode dito: 

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.