• Home
  • Fresh Scoops
  • Sunod-sunod ang mga projects ni Zanjoe Marudo kahit sa gitna ng pandemya.

Zanjoe Marudo ibinahagi ang dahilan kung bakit ‘mabenta’ siya

Sunod-sunod ang mga projects ni Zanjoe Marudo kahit sa gitna ng pandemya.

Zanjoe Marudo ibinahagi ang dahilan kung bakit ‘mabenta’ siya-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

05/01/2022 09:46 AM
Zanjoe Marudo ibinahagi ang dahilan kung bakit ‘mabenta’ siya
Photo credit: @onlyzanjoemarudo Instagram

Sunod-sunod ang movie projects ni Zanjoe Marudo.

Pagkatapos niyang gawin ang 366 na directorial debut ni Bela Padilla ay leading man naman siya ni Kylie Verzosa sa romantic movie na Ikaw Lang Ang Mahal ng Viva Films.

Sa face-to-face presscon ng bago niyang pelikula ay ibinahagi ni Zanjoe ang dahilan kung bakit “mabenta” pa rin siya hanggang ngayon. Bukod kasi sa dalawang pelikula ay bida rin ang aktor sa Kapamilya series na The Broken Marriage Vow.


“Siguro marami akong kasamahan na takot magtrabaho at nag-iba ng mga direksyon na gustong puntahan kaya siguro mas madami akong projects. Kumonti na lang din siguro yung pagpipilian kaya ganun,” katwiran ni Zanjoe.

BASAHIN: Bela Padilla, wala bang ilangan factor kay Zanjoe Marudo ngayong magkasama sila sa kanyang directorial debut movie?

Patuloy ng aktor, “Well, ako kasi, wala pa ako do’n sa point na napapagod na or nagsasawa na sa ginagawa. Nando’n pa rin ako sa pagse-search ng ibang characters, ng mga projects na posible ko pang matanggap o posible ko pang magawa.

Ipinagpapasalamat din ni Zanjoe na kung kailan panahon ng pandemic ay saka naman nagkasunod-sunod kanyang mga proyekto.

Siguro nakita sa akin ng management yung courage na, ‘Oh, may artista tayong game, gustong gusto magtrabaho.’ Kaya siguro nakita nila, naramdaman nila. And every time na binibigyan nila ako ng project talaga namang pinaghahandaan ko.

“Kung ano yung kailangan nila hangga’t maaari kaya kong ibigay. So, siguro ’yon… yung willingness ko to work. Yon ang nakita nila,” pahayag ni Zanjoe.

READ: Zanjoe Marudo says ‘The Broken Playlist’ concert is dedicated to all their fans

Wala ring kahit anong negative feedbacks na maririnig mula sa mga artistang nakakatrabaho ni Zanjoe. Patunay lang na very professional ito sa set at magaling makisama.

Aniya, “Malaking bagay yung pakikisama sa mga katrabaho ko. Malaking bagay na… yung pagiging professional ko sa trabaho, yung attitude ko sa mga tao sa set.

“Masarap din sa pakiramadam na, alam mo ’yon, gusto ka nilang makasama. Kesa doon sa, ‘Trabaho lang ’to.’ Masarap sa pakiramdam na gusto ka ng mga katrabaho mo.”

Ang Ikaw Lang Ang Mahal na mapapanood sa Vivamax sa May 20 ay mula sa direksyon ni Richard Somes. Sa Sagada kinunan ang pelikula at ayon kay Zanjoe naging madali ang mga eksena nila ni Kylie dahil hindi halos nagkakalayo ang kanilang height. Sa mga previous projects daw niya kasi ay palaging maliliit na aktres ang kanyang mga nakakapareha kaya hirap siya ilang mga eksena.

“Sarap kasi na ang kaeksena mo hindi na ako yumuyuko, kasi pantay na kami ni Kylie,” natawa niyang reaksyon ng  aktor.

Bukod kay Kylie ay kasama rin sa cast ng Ikaw Lang Ang Mahal si Cara Gonzales na ayon kay Zanjoe ay ihahanap daw niya ng ka-date na ka-edaran nito dahil masyado raw itong bata sa kanya.

“Si Cara masyado pang bata para sa akin. Medyo bata sa akin si Cara. Ihahanap ko na lang ang ka-age n’ya si Cara. Marami akong kaibigan, Cara. Mga ka-age mo,” natatawang sabi ng 39-year-old Kapamilya actor.

Sinakyan naman ni Cara ang biro sa kanya ni Zanjoe at nagpasalamat dito.