• Home
  • Fresh Scoops
  • Hero Angeles says he learned from his younger co-stars Marlo Mortel and Sky Quizon.

Hero Angeles happy to have worked with Marlo Mortel and Sky Quizon: ‘Sobrang natutuwa ako na nakatrabaho ko sila’

Hero Angeles says he learned from his younger co-stars Marlo Mortel and Sky Quizon.

Hero Angeles happy to have worked with Marlo Mortel and Sky Quizon: ‘Sobrang natutuwa ako na nakatrabaho ko sila’-Rhea Manila Santos
BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/09/2022 12:24 PM
Hero Angeles happy to have worked with Marlo Mortel and Sky Quizon: ‘Sobrang natutuwa ako na nakatrabaho ko sila’
Photo credit: @iamheroangeles and @skyquizon_ Instagram

Even before he went into lock-in taping for his Maalaala Mo Kaya episode this month, Hero Angeles said that he made sure to do as much preparations as he could before taking on the role of an MMK letter sender.

“Kung ikukumpara mo siya sa ibang mga karakter na ginagawa mo, ito kasi totoong tao. Yung iba kasing ginagawa ko before, inaaral ko talaga kung sino sila. Like itong storya na ‘to rinisearch ko din talaga kung sino ba talaga yung Villadares brothers. Tapos nanuod ako online kung sino na yung nakapagbahagi ng storya nila sa interviews nila in the past. And then nagpaka-stalker din ako. Tiningan ko yung mga accounts nila online sa social media para makita kung pano ba sila manamit, kung may videos ba sila, at kung paano sila gumalaw at magsalita. So tiningan ko yun para mai-apply ko rin sa story nila.

“So ganun yung ginagawa kong preparation and then on the set sini-share ko na lang kung ano yung mga nakita ko online, yung mga natuklasan ko sa magkakapatid para kahit papano maipakita natin sa mga viewers kung ano talaga yung totoong sila,” he shared. 


READ: Hero Angeles shares how his acting improved because of MMK: ‘Ang dami ko ng natutunan’

While working on their episode which was released on April 2, Hero shared what he learned from working with co-stars Marlo Mortel and Sky Quizon who played his younger brothers in the episode.

“Actually kahit saang larangan, kahit hindi sa pag-arte, naniniwala ako na may matututunan ka sa mga tao na mas bata sa ‘yo or kahit hindi mo ka-edad. Kasi before, nung medyo nahinto ako sa pag-arte, nag-volunteer teaching ako eh. Naging art teacher ako. So habang nagtuturo ako sa mga bata, may natututunan din ako sa bata. So dito sa MMK namin, since sila yung mga nakababatang kapatid ko, si Marlo actually kilala ko na siya even before 10 years na nakatrabaho ko na siya before tapos ngayon ko lang ulit siya nakatrabaho. Sabi ko, ‘Wow ganun pala yun. Habang tumatagal yung panahon, nagbabago ang tao. Nagbabago ang experiences niya sa buhay.’

“Behind the scenes, sa likod ng camera, habang nag-bi-break kami, nagku-kuwentuhan kaming tatlo ng life experiences. And then from there, puwede kang kumuha ng mga hugot mo, na puwede mong i-apply dun sa character na gagawin mo at sa mga future projects mo. Malaking tulong.

“Kailangan talaga hindi ka ma-stuck sa doon sa iisang bagay na ginagawa mo. Kailangan meron kang makatrabahong ibang tao para meron silang maiambag dun sa craft na pinag-iigihan mo at minamahal mo. So sa kanilang dalawa, for sure talagang may natutunan talaga ko. At ako sana kahit papano may nabahagi ako sa kanila. So habang tumatagal, so like itong episode na ginawa ko nga with direk Raz (Dela Torre) at Marlo (Mortel) at Sky (Quizon) at si tita Peewee (O’Hara), ang dami ko ding natutunan na sana makita niyo rin pag napanuod niyo yung episode na ito,” he explained. 

READ: Sky Quizon dedicates his MMK episode to his late grandmother: ‘Sobrang lapit ng kuwento sa puso ko’

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by MMKOfficial (@mmkofficial)

The 37-year-old actor also shard what similarities he had in common with his co-stars who brought to life the story of the Villadares brothers who were orphaned and ended up being raised solely by their grandmother.

“Sobrang natutuwa ako na nakatrabaho ko sila. Totoo na wala kaming pinag-usapan kung paano namin gagampanan yung pagiging magkakapatid kasi unang una sabi ni direk kailangan lumabas dito yung pagiging magkapatid. Dapat makita yun ng viewers at maramdaman. Wala, as in hindi kami nag-usap kung paano yung atake namin dito. Nakakatuwa kasi pag hindi pa nag-te-take, andiyan yung biruan. Totoo na binu-bully namin si Sky pero nambu-bully din siya (laughs).

“Tapos sila wala silang script na dala. Nag-print ako ng script kasi. So ganun daw pag matanda, nahihirapan na magbasa ng script (laughs). Mas nasanay kasi ako na may hawak na hard copy ng script. Mas madali kong nakakabisa yung script, nakikita ko ng mas clear yung story pag nakiktia ko yung pages ng script. Siguro nasanay ako sa nasimulan ko before nung 2004 pa. Nadala ko siya hanggang ngayon. Tina-try ko naman mag-tablet at gumamit ng cellphone para sa script, “ he added.