• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi rin ni Enzo Pineda ang upcoming project niya with fellow Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Enzo Pineda, ipinaliwanag kung bakit siya nananatiling Kapamilya

Ibinahagi rin ni Enzo Pineda ang upcoming project niya with fellow Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Janine Gutierrez.

Enzo Pineda, ipinaliwanag kung bakit siya nananatiling Kapamilya-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/09/2022 07:19 PM
Enzo Pineda, ipinaliwanag kung bakit siya nananatiling Kapamilya
Photo Credit: @its_enzopineda on IG

Diretsahang sinabi sa PUSH interview ni Enzo Pineda kung bakit hanggang ngayon ay nananatili pa rin siyang Kapamilya actor sa kabila ng hindi pagbibigay prangkisa dito ng Kongreso. Ayon sa aktor, malaki ang utang na loob niya sa ABS-CBN kaya sinusuklian niya ito ng loyalty. 

Ani Enzo, “Ako naman po, I’m always loyal po sa home network ko. Kasi sa ABS-CBN, napakalaki po ng tulong ng binigay nila sa akin bilang artista.” 

Read: Enzo Pineda ready to settle down with Michelle Vito ‘anytime’


Magagandang oportunidad din daw ang ibinigay sa kanya ng TV network nung lumipat siya dito lalo na pagdating sa pagiging aktor. 

Nabigyan ako ng magagandang projects, nabibigyan ako ng enhanced learning pagdating sa acting. Binukas nila yung utak how to be more passionate with my craft. And napakabait po talaga ng ABS-CBN sa akin, sa amin. And sana po things will get better soon for all of us po,” saad pa ng aktor. 

Kabilang sa mga projects na nagawa ni Enzo sa ABS-CBN ay ang mga teleseryeng Till I Met You, Nang Ngumiti Ang Langit, Bagani, at Pusong Ligaw

Read: Enzo Pineda, malapit sa puso ang kanyang role bilang doktor dahil sa kanyang pinagdaanan sa COVID

Kinuha din namin ang reaksyon ni Enzo na nakakatrabaho na niya sa ABS-CBN ang ilang artistang kasama rin niya noon sa pinanggalingang TV network. Aniya, natutuwa siyang muling makita ang mga dati niyang kasamahan. 

Ako po, it’s always nice to see familiar faces. Kasi sa showbiz naman po bilog naman po ang mundo. And you also get to build bridges. So natutuwa po ako na may mga kaibigan po ako sa GMA Network na lumipat sa ABS-CBN. Para sa akin naman, kung saan po may trabaho, doon po tayo,” deklara pa ng binata. 

Ibinahagi rin ni Enzo ang upcoming project niya with fellow Kapuso-turned-Kapamilya actress na si Janine Gutierrez. 

May pelikula po kami ni Janine na lalabas. We shot it last year, kaming dalawa po. Supposedly po, ilalaban siya sa Cannes Film Festival, pero hindi pa po nagpu-push through. So hopefully,” excited pang kuwento ni Enzo.