• Home
  • Fresh Scoops
  • Pangarap mo rin bang makapunta ng Holy Land? Narito ang ilang mga artista na nakapunta na rito.

Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 1 | Pushpins

Pangarap mo rin bang makapunta ng Holy Land? Narito ang ilang mga artista na nakapunta na rito.

Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 1 | Pushpins-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/14/2022 08:00 AM
Mga artistang nakapunta na sa Holy Land Part 1 | Pushpins

Dream destination ng karamihan sa mga Kristiyano ang Holy Land lalo na kung ang usapan ay tungkol sa faith and religious practices.

Gaya na lamang ng mga celebrities na ito na nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang sagradong lugar sa Israel.

Sinu-sino sila?    


Let’s find out.

 

1. Marian Rivera & Dingdong Dantes

Hindi na pinalampas ni Marian Rivera ang pagkakataon na libutin ang Holy Land matapos nitong maging judge sa 70th Miss Universe pageant noong December 2021 sa Eilat, Israel.

READ: Marian Rivera, Dingdong Dantes visit Jerusalem

Kasama ni Marian ang asawa na si Dingdong Dantes nang bisitahin nila ang Jerusalem.

Isa sa napuntahan ng DongYan ay ang tomb o final resting place ni Jesus Christ.

Sa post ni Marian ay sinabi nitong isa ang Holy Land sa matagal na niyang gustong mabisita, at mas naging espesyal umano ito dahil kasama niya si Dingdong.

 

2. Tirso Cruz III

Taong 2016 nang lumipad papuntang Holy Land sa Israel sina Tirso Cruz III at kanyang buong pamilya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bodie Cruz (@bodiecruz)

Ito ay para i-celebrate ang 35th wedding anniversary nila ng kanyang asawa.

Kasabay nito ay ginanap din sa simbahan sa Cana of Galilee sa Israel ang renewal of vows nina Tirso at asawa nito.

Namasyal din sa Jordan River ang pamilya ni Tirso para sa reaffirmation ng kanilang commitment of faith.

 

3. Jodi Sta. Maria

Noong Holy Week 2016 ay pinili ni Jodi Sta. Maria ang magtungo sa Holy Land kasama ang ilang malalapit na kaibigan.

Ilan sa mga napuntahan ni Jodi sa Jerusalem ay ang Garden Tomb at City of David.

Bago ito ay una nang nabisita ni Jodi ang Holy Land noong taong 2012 para kuhanan ang ilang scenes sa film na Migrante na pinagbibidahan nito.

Sa kanyang interview ay ibinahagi ni Jodi na napuntahan niya ang Mount of Olives, Garden of Gethsemane, Galilee, at nakita rin niya ang Via Dolorosa.

 

4. Zsa Zsa Padilla

Nagtungo si Zsa Zsa Padilla sa Israel noong January 2017 para sa isang pilgrimage na tinawag nitong Journey of Faith.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Zsa Zsa ang mga litrato niya habang nasa The Annunciation Church kung saan tumira si Mama Mary.

Pinuntahan din ni Zsa Zsa ang Basilica of Gethsemane at Church of Cana sa Galilee.

Ayon kay Karylle Yuzon ay dream destination for pilgrimage at wedding ng nanay nitong si Zsa Zsa ang Israel.

Tingnan ang mga lugar sa Holy Land na napuntahan na ng mga artistang nabanggit sa episode na ito ng Pushpins. 

Gusto niyo rin bang puntahan ang Holy Land?