• Home
  • Fresh Scoops
  • May bagong aabangan mula sa dating child star na si Xia Vigor.

All grown up: Dating child star na si Xia Vigor, sasabak na sa teen roles

May bagong aabangan mula sa dating child star na si Xia Vigor.

All grown up: Dating child star na si Xia Vigor, sasabak na sa teen roles-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

04/07/2022 03:42 PM
All grown up: Dating child star na si Xia Vigor, sasabak na sa teen roles
Photo credit to @xiabernardo Instagram

Handa nang sumabak ang dating child star na si Xia Vigor sa mga karakter na susubok sa kanyang pagiging isang dalagita.

Agaw-pansin ang mga litrato ni Xia sa kanyang paghahanda para sa kanyang bagong proyekto. Kitang-kita ang malaking pagbabago sa mukha ni Xia mula noong nagsisimula pa lamang ito sa industriya.


Sa isang post na ibinahagi ng Viva Artists Agency (VAA), kinumpirma ng nasabing ahensya na may aabangan ang mga tagahanga ni Xia. Ito ang The Wedding Dress ni Phoebe Villamor.

Samantala, maging sa mga posts nito sa social media ay kita ang malaking pagbabago hindi lamang sa kanyang hitsura kundi pati na sa kanyang height.

Madalas din itong gumawa ng mga TikTok videos gaya ng kanyang mga kaedaran.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xia Vigor (@xiabernardo)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xia Vigor (@xiabernardo)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xia Vigor (@xiabernardo)

Matatandaang lumabas noong taong 2015 sa seryeng Flordeliza si Xia. Naging bahagi din siya ng daytime drama series na Langit Lupa noong taong 2016.

Gumawa rin ito nang ingay matapos siyang umali sa Mini Me segment ng It’s Showtime kung saan siya ang itinanghal na Grand Winner. Ginaya niya noon si Selena Gomez.

READ: Xia Vigor teaches her followers to love their natural beauty: ‘Take the challenge to be ourselves’

Nag-viral naman ito noong taong 2017 nang gayahin niya ang pop superstar na si si Taylor Swift sa celebrity impersonation show na Your Face Sounds Familiar.

Marami ring natanggap si Xia na parangal sa mga nagdaang taon kabilang na ang Most Popular Female Child Performer noong taong 2017 at 2019.

Nakatanggap din ito ng parangal dahil sa kanyang husay na ipinamalas sa local adaptation ng Miracle in Cell No. 7.