• Home
  • Fresh Scoops
  • Papayag ba si Elisse Joson na may ibang ka-kissing scene si McCoy De Leon?

Elisse Joson, aminadong ‘awkward’ sa kanilang intimate scenes ni McCoy De Leon para sa bagong pelikula

Papayag ba si Elisse Joson na may ibang ka-kissing scene si McCoy De Leon?

Elisse Joson, aminadong ‘awkward’ sa kanilang intimate scenes ni McCoy De Leon para sa bagong pelikula-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/07/2022 05:40 PM
Elisse Joson, aminadong ‘awkward’ sa kanilang intimate scenes ni McCoy De Leon para sa bagong pelikula
Photo credits: @mccoydeleon on Instagram

Gaganap na couple sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa bago nilang pelikulang Habangbuhay na ipapalabas sa Vivamax. May ilang intimate scenes ang McLisse sa pelikula na idinirek ni Real Florido na ayon sa actress ay naging medyo awkward sa kanya.

Pag-amin niya, “At first, it’s awkward kahit we’re a couple. So it really helped that we had a very comfortable set and environment, the people that we were with. Pero masaya. Actually, nag-enjoy ako.”

Pagkatapos ba ng Habangbuhay ay papayag ba silang dalawa na maipartner sa iba at magkaroon ng kissing scene?


“Wala naman kaming specific na kailangan ganito, kailangang ganyan. Pero nasa world kami ng industriyang ito… Hindi ko alam, eh,” sagot dito ni McCoy.

READ: Elisse Joson, aminadong medyo kinabahan na makatrabaho ulit si McCoy De Leon

Sey naman ni Elisse, napag-usapan na rin daw nila ang tungkol dito and somehow ay nag-set na rin daw sila ng limitasyon tungkol dito.

“Napag-uusapan namin yon. I think it depends on the story itself.  Meron mga dumating na offers but yon nga, ang ginawa namin pinaguusapan namin and tinitingnan namin yung istorya talaga bago namin pagusapan kung may kissing scenes ba, may intimate scenes ba. It’s more on yung lalim ng istorya and if going to be worth it,” rason ni Elisse.

Tanong pa kay Elisse, hindi ba siya magseselos if ever magkaroon ng kissing scene si McCoy sa ibang aktres?

“Ay, selosa po ako. Hahaha!” diretsong sagot niya. “Pero yon nga, depende sa kung ano yung material na ibibigay kay McCoy,” hirit pa ni Elisse.

“Siya daw mag-a-approve. Hahaha!” pabirong reaksyon naman dito ni McCoy.

Samantala, inamin din ni Elisse na mahabang proseso ang kanilang pinagdaanan bago tanggapin ang Habangbuhay.

“Ang haba po ng process before we’re able to do this film because we have to consider we have a baby, and also the work circumstances, pandemic tapos may baby kami na kasama. Ito yung unang film na ginawa namin after we told everybody that we have a child.

“Tatanggapin ba namin? Kasi itong movie na ito ay about young love, coming of age story so baka hindi bumagay. Yon ang inisip namin, but we decided to go for it,” lahad pa niya.

LOOK: Elisse Joson throws surprise birthday party for McCoy de Leon

Mapapanood sina McCoy at Elisse, together with Yayo Aguila, Dexter Doria, Lander Vera-Perez, and more, sa advance streaming ng romantic movie na Habangbuhay on April 20 sa VivamaxPlus. Magiging available naman ito for regular streaming on Vivamax soon.