• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa si John Arcilla na mababawasan na ang pambabash ng mga taga-suporta ng dalawang network sa isa’t-isa.

John Arcilla, ikinatuwa ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA

Umaasa si John Arcilla na mababawasan na ang pambabash ng mga taga-suporta ng dalawang network sa isa’t-isa.

John Arcilla, ikinatuwa ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/06/2022 05:43 PM
John Arcilla, ikinatuwa ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA
Photo credit to @johnarcilla Instagram

Ikinatuwa ng FPJ’s Ang Probinsyano star na si John Arcilla ang pagsasanib-puwersa ng dalawang giant networks ng bansa—ang ABS-CBN at GMA. Sa naturang kasunduan ay maipapapabas na sa mga channels ng GMA ang mga Star Cinema movies ng ABS-CBN simula ngayong Abril.

READ: Kapamilya and Kapuso unite: GMA-7 to air Star Cinema films

Ayon kay John, napakagandang senyales nito para magsimula ang pagkakaibigan sa dalawang magkaribal na istasyon at mawala na rin ang galit ng kani-kanilang mga taga-suporta.


Pinusuan din John ang ginawang logo ng isang netizen combining GMA and ABS-CBN kung saan nabuo ang salitang GAMBAS.

"I REALLY LOVE GAMBAS! This is such a very nice move altogether," deklara ni John na kilala rin bilang Renato Hipolito sa Ang Probinsyano.

John Arcilla, ikinatuwa ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA

"May this partnership bring the ‘fan-thinkings’ to a new level. That everyone can be friends for the better and for everyone’s advantage. That there is no point of hating each other since the people we’re trying to fight for can actually agree and befriend each other. Hope this will liberate the minds of fanatics about the culture of ‘HATE’ that it is more enriching to LOVE and SUPPORT the people we love and the SHOWBUSINESS in general. That looking at the good sides of each celebrity than picking on each other’s imperfections are more exciting. After all nobody’s really perfect and that includes us as fans. So let us all discourage the opportunities for HATE to reign," lahad pa ng multi-awarded actor.

READ: John Arcilla mimics Joshua Garcia’s viral TikTok video

Iginiit din ni John na mas kailangang pairalin ng bawat isa ang pagmamahalan sa ganitong sitwasyon na humaharap ang bansa sa pandemya.

Sabi pa niya, "Talaga nga naman na mas Radikal ang magmahal sa mga panahon na ito. God bless everyone. No bashers and trolls allowed. PEACE."