• Home
  • Fresh Scoops
  • Idinetalye ni Enzo Pineda ang COVID journey nila ng kanyang ama.

Enzo Pineda, malapit sa puso ang kanyang role bilang doktor dahil sa kanyang pinagdaanan sa COVID

Idinetalye ni Enzo Pineda ang COVID journey nila ng kanyang ama.

Enzo Pineda, malapit sa puso ang kanyang role bilang doktor dahil sa kanyang pinagdaanan sa COVID-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/05/2022 06:21 PM
Enzo Pineda, malapit sa puso ang kanyang role bilang doktor dahil sa kanyang pinagdaanan sa COVID
Photo credits: @its_enzopineda on Instagram

Nahawa ng COVID-19 virus ang Kapamilya actor na si Enzo Pineda kahit fully vaccinated na siya. Ito ay dahil sa isang bisita ng kanyang kapatid na nag-birthday kaya siya tinamaan ng virus. Guilty rin niyang inamin sa interbyu ng PUSH na siya ang nakahawa sa kanyang ama kaya nagkaroon din ito ng COVID-19.

“Alam n’yo naman pag nagkaka-birthday, nawawala yung pag-iingat natin, so do’n po ako nahawa ng COVID sa bisita po. But my dad, kahit nasa isang certain area siya sa bahay ay nahawa ko pa rin siya.

“Tapos naagapan naman agad actually kasi nagkaroon siya ng pneumonia na very minor pero tinawagan na siya ng doctor na habang maaga pa pumunta na agad sa ospital. Kasi, of course yung karamihan sa atin minsan hinihintay pa natin na  maging malala,” kuwento ni Enzo.


READ: Enzo Pineda writes heartfelt letter for Michelle Vito on 2nd anniversary

Nakausap ng PUSH si Enzo sa premiere night ng pelikulang Dok na kanyang pinagbibidahan na ginanap sa Sta. Lucia Cinema nitong Linggo, April 3, 2021.

“Ako, I had a little bit of everything – ubo, sipon, diarrhea. It happened within a week pero per day iba-iba yung symptoms. Nung nalaman ko na positive yung isa naming bisita, nagpa-swab agad ako. Negative ako nung una pero I doubted kasi nung day na yon medyo nakaramdam na ako pero hindi lang siguro nag-sink in. Tapos yon nga, wala na akong panlasa, humihina na ako,” kuwento ng aktor sa mga naramdamang symptoms ng virus.

Parehong na-confine si Enzo at ang daddy niya sa hospital. Pero kahit COVID-19 positive ang aktor ay siya ang mismong nagbantay sa ama.

“My dad was admitted for COVID. The doctor told him na pupwede siyang magsama ng companion basta naka-PPE. So nagpaalam ako sa dad ko kung puwede bang ako na lang ang sumama sa kanya. And he asked the doctor if okay lang ba na may dalawang positive patients sa isang room. Kung mas malala ba yung symptoms ng isa mas mahahawa ba ako? Hindi naman daw so pinayagan ako kaya dalawa na kaming na-confine. So ako na yung nag-alaga sa dad ko for a week,” sabi pa ng actor.

Ayon kay Enzo, malapit sa puso ang pelikulang Dok dahil na rin sa personal niyang karanasan sa nakamamatay na virus.

“I feel honored kasi isa ito sa mga pelikula na yung story, character ay hindi ko pa nae-experience. Of course, in our line of work, yung mga usual po na projects na ginagawa at least naging breather ito sa akin to try something new and to try something relevant sa ating mga kababayan.

“Kasi we all had our own COVID experiences which is why I feel that this movie is somehow relatable to a lot of us. It may not happen exactly pero similar because we all had the virus,” katwiran ng Dok lead actor.

READ: Enzo Pineda ready to settle down with Michelle Vito ‘anytime’

Paano ba niya pinaghandaan ang role ng isang doctor?

Sagot ni Enzo, “Tinulungan ako ng anak na doctor ng producer namin na si Anthony. He was there all throughout the film, so I’m very blessed kasi hindi naman ako nag- nursing or pagiging doctor pero I had the opportunity to somehow learn and feel what  its like to be a doctor.”

Inaral din daw niya pati language at nuances ng isang manggamot.

“Siyempre ako naman po bilang isang artista gusto ko naman po na accurate yung pag-portray ko kasi kailangan nating iangat yung quality ng work natin na pag doctor ka kailangan lahat ng galaw mo, kilos, at sinasabi mo ay tama.

“Ako po kasi I’m very critical when it comes to my characters. Ayoko pong napapahiya o makita ng mga tao na may mali akong ginagawa that’s why even before I met our producer’s son, somehow, nakapag-research ako, nakanood ako ng films about doctors para lang makuha ko yung vibe, yung kilos, nuances ng doctor.

“Siyempre ang doctor sanay yan magpagaling ng tao, sanay din makakita ng mga patients na namamatay, so paano yung mga reaksyon. So kailangan kong ipakita na somehow sanay ako sa ginagawa ko,” paliwanag ni Enzo tungkol sa kanyang naging paghahanda.

Pagmamalaki pa ni Enzo about the project,“This is an inspiring movie based on true events. It’s about a doctor who experienced hardships nung bata siya, victim po siya ng bullying, nagkaroon po siya ng mga learning deficiency tapos became a successful doctor this pandemic.”

Ang Dok ay initial venture ng Donya Productions na papalabas sa mga sinehan ng Sta. Lucia, SM MOA, SM Megamall, SM Fairview, SM Southmall, SM Dasmarinas, at SM Cebut ngayong April 6.

Kasama rin sa cast ng family drama sina Mickey Ferriols, Rob Sy, LM Mercado, Aryan Akhtar, Maria de Ramos, at Potchi Angeles. Dok is produced and directed by Atty. Angie De Ramos.