• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Barbie Imperial, matapos ang hiwalayan nila ni Diego Loyzaga ay natutunan niya na mas mahalin pa ang kanyang sarili at mag-enjoy mag-isa.

Barbie Imperial, enjoy sa kanyang buhay bilang single

Ayon kay Barbie Imperial, matapos ang hiwalayan nila ni Diego Loyzaga ay natutunan niya na mas mahalin pa ang kanyang sarili at mag-enjoy mag-isa.

Barbie Imperial, enjoy sa kanyang buhay bilang single-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/05/2022 11:34 AM
Barbie Imperial, enjoy sa kanyang buhay bilang single
Photo credit to @msbarbieimperial Instagram

Aminado ang aktres na si Barbie Imperial na inakala niyang si Diego Loyzaga na ang taong makakasama niya sa habang buhay.

Sa kanyang panayam kay Toni Gonzaga, muling naging bukas si Barbie sa pagkukuwento tungkol sa pag-iibigan nila ng aktor at kung paano ito nauwi sa hiwalayan matapos umanong ma-expose ang kanilang relasyon sa publiko.


"'Yun 'yung love na akala ko 'yun na 'yun. The one, [the person I'm going to marry]. May mga conversations kasi kami ni Diego na parang akala rin namin pareho na 'yun na 'yun. Pero nagulo talaga 'yung relasyon namin. Siguro rin kasi too much din 'yung exposure namin sa mga tao. Eh para sa akin kasi minsan, kapag sobrang alam na ng lahat ng tao 'yung about sa personal na buhay niyo, kapag in-allow niyo silang makapasok sa world niyong dalawa bilang couple, parang kaya na rin nilang sirain," ani Barbie.

Pagbabahagi ng aktres, noong naghiwalay sila ni Diego ay mahal pa rin nila ng aktor ang isa't isa. Gayunpaman, hindi na nila sinubukan pang ayusin ang kanilang relasyon sa takot na muli nilang masaktan ang isa't isa.

"Siguro for us, ganun namin ka-love 'yung isa't isa na hindi na muna namin ita-try. Kasi ako noon akala ko, kapag mahal mo 'yung tao, enough na 'yun. Like, kapag alam namin na love namin 'yung isa't isa, pwede na kaming magbalikan ulit. Pero sa amin po, parang takot kami na masaktan 'yung isa't isa ulit. Kasi alam namin na ngayon, okay kami, magkaibigan kami. Parang natatakot kami i-risk na baka kapag nag-try kami ulit, mas masira. Eh mas okay na kami ngayon na magkaibigan kami," aniya.

"Kumbaga for me, sa second time na i-allow ko 'yun, and hindi ako happy doon, magtutuloy tuloy siya. Hindi lang kami magiging masaya."

READ: Barbie Imperial clarifies she did not get back together with Diego Loyzaga: ‘Friends lang’

Kwento pa ni Barbie, matapos ang hiwalayan nila ng aktor ay marami siyang natutunan tungkol sa kanyang sarili, lalong lalo na pagdating sa pag-ibig.

"Before po kasi, ate Toni, parang ang bilis kong ma-in love. I mean, hindi naman 'yung kung kani-kanino akong lalaki, pero kapag na-feel ko 'yung connection sa isang lalaki, kapag na-feel ko na love na love niya ako at inaalagaan niya ako, 'Ah, baka ito na 'yun.' Pero na-realize ko po na baka kaya paulit ulit na nagfe-fail 'yung relationships ko kasi hindi naman po talaga ako buo eh. Parang pandemic ko lang na-realize na ang dami kong bubog sa buhay. Na baka 'yun din 'yung isang dahilan kung bakit apektado 'yung mga relasyon ko, 'yung mga tao sa paligid ko," aniya.

Natutunan din umano niyang mas mahalin pa ang kanyang sarili at mag-enjoy mag-isa, ayon din sa aktres.

"Mas na-enjoy ko lang na mag-isa po ako. Before parang kailangan ko lagi ng mga tao para maging okay. Like kahit mga kaibigan ko, palagi ko silang tinatawagan na, 'Puntahan niyo ako, hindi ako okay.' Hindi ko kayang mag-isa. Nagbe-breakdown po ako kapag mag-isa ako. Pero ngayon na-e-enjoy ko na, na nasa kwarto lang po ako, nagmo-movie ako mag-isa, nagbabasa ako ng libro mag-isa... kahit anong gawin ko na mag-isa," aniya.

Patuloy pa niya: "Dati po people pleaser talaga ako, eh. 'Yung parang gusto kong okay 'tong taong 'to sa akin, dapat ito 'yung iisipin niya about me. Pero I think 'yung naitulong ng relasyon ko with Diego, lalo nung naghiwalay kami, was to learn kung paano maging mag-isa and maging okay about it."

READ: Barbie Imperial talks about ending relationships: ‘Hindi ako yung mabilis mag-give up na girlfriend’

Bukod kay Diego, nakatulong din umano sa aktres ang pakikipagrelasyon niya kina Ryle Santiago, Paul Salas, at JM de Guzman upang mahanap at mas mahalin pa ang kanyang sarili.

"Every pain pala na na-experience ko from them, 'yun pala 'yung tutulong sa akin para mahanap ko 'yung sarili ko. Kasi if hindi po ako nasaktan nang ganun — kay Ryle, kay Paul, kay JM, kay Diego — siguro hindi rin ako matututo nang ganito and hanggang ngayon siguro takot pa rin ako mag-isa," aniya.

Sa huli, sinabi ni Barbie na nais muna niyang magpahinga sa pag-ibig at mag-focus muna sa kanyang trabaho, pamilya, at mga mahal sa buhay sa ngayon.